Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Food Delivery Service Market

Maraming food delivery service tulad ng Uber Eats, Grubhub, DoorDash, at Postmates, kung
saan makaka

order ka kahit saan gamit ang mga delivery service na nabanggit sa halos lahat ng
lugar ng Amerika. Sa bansang Japan naman, ang major cities ay gumagamit n
g quick

and

easy
food delivery services mula lunchtime hanggang midnight

Japanese food delivery service market share

Maraming klaseng food delivery services ang available sa Japan. At para maintindihan ang market, 3 categories ang nakapaloob sa food delivery service na ito:

  1. Raw and fresh food delivery
    Ito ang tinatawag “Natural food delivery services”, “Milk delivery services”, “Online Supermarkets”, at “Co-op individual delivery services”, na kasama ang pagpapa-deliver ng sariwang meat, fish, vegetables, at iba’t ibang sangkap pangluto. Ang Co-op ay isang type ng online grocery shopping site kung saan pwedeng mamili parang nagpunta ka rin sa grocery, o-orderin mo nga lang online one week in advance at ide-deliver sa bahay mo. Ang Food delivery services tulad ng Oisix (Oythix) at Pal System ay nagde-deliver ng kanilang original food at sangkap. Ang Internet supermarkets tulad ng Aeon Net Super, at ilang general supermarkets ay nago-offer din ng services na mag-deliver ng pagkain sa bahay ng customers pagkatapos ito bilhin sa kanilang shop. Makakatulong ito lalo na sa mga matatanda na hirap buhatin ang kanilang pinamiling groceries.
  2. Processed and precooked food deliveryAng kategorya naman na ito ay yung mga “Home meal delivery services” at mayroon ding “Online Supermarkets”. Nagbebenta sila ng frozen o pre-packaged food, tulad ng instant noodles packages, na nangangailangan ng pagluto at pag-init. Maraming kumpanya ang nagde-deliver ng processed at sariwang pagkain dahil ang pago-order at sistemang pagde-deliver ay pareho naman. Ang pagkakaiba nga lang ay ang kondisyon ng pagkaing ide-deliver.
  3. Ready-to-eat food delivery
    Mula sa pizza delivery hanggang sa catering, ito ang kategorayang “Deli delivery services”, mga pagkain galing sa “Meals from restaurant/fast-food chains”, “Sushi delivery services”, at “Convenience store meal deliveries.” Kasama dito ang pagkain na nakahanda na o fully prepared at kakainin na lang.

* How people in Japan use food delivery services

Tatlong major deli delivery
apps: Uber Eats, Demae-can, at Rakuten Delivery ang mabilis na naging popular kasama ang D-Delivery, GURUNAVI, at LINE Delima.

* Frequency of using food delivery services
Ayon sa survey, may 58.2% na users sa Japan ang gumagamit ng food delivery services at least 1 beses sa isang taon samantalang 1.3% naman ang gumagamit nito mahigit isang beses sa isang linggo.  Ipinapakita lang dito na hindi pa common sa Japanese ang paggamit ng food delivery
service.

* Motivations for using Japanese food delivery services

Narito ang 3 rason kung bakit gumagamit ng food delivery service ang mga Japanese;
1. Ayaw nila o busy silang magluto.
2. Mayroon silang coupons o discount cards na nakita nila sa advertisement ng food delivery service.
3. Para sa special occasion o parties kasama ang kaibigan at kamag-anak para hindi na sila
mapagod pang magluto.

Mas madalas na gumagamit ang mga Japanese ng coupons dahil ibinibigay ito ng restaurants at food delivery companies via mobile apps o advertisement sa diyaryo. Halimbawa, ang LINE, isang messaging app na ang member users sa Japan ay 79 million, ito ay may service kung saan maraming ino-offer na coupons mula sa mahigit sa 22,000 restaurants at food stores.

* Most popular food delivery items

Para sa mga nagpapa-deliver ng pagkain ang pinaka-popular ay ang pizza delivery dahil nag-expand ng area ang pizza delivery companies tulad ng Domino’s, Pizza-La, Pizza Hut, maski sa rural areas ay may pizza delivery stores na rin kahit hindi pa available ang food delivery service apps. Iba’t ibang klase ng pizza at pasta ang mapapagpilian. Sumunod ang sushi na isa ring popular delivery item. Kadalasan ay makikita mo ang sushi sa hapag-kainan pag may special occasions tulad ng famiily reunion o anniversaries. Pero sa makabagong pnahon, mas marami nang umo-order ng sushi dahil may mura na ring mapapagpilian.


Challenges for Japanese food delivery services

Kahit na nagiging popular ang food delivery services ay mayroon pa rin naga-alangan na gamitinang apps o mag-order online.Hindi sila takot na tumawag para magpa-deliver ng pagkain, ang naga-alangan sila ay yungnago-order online dahil nasa isip nila na hindi safe ang magbigay ng importanteng detalye lalona kung gagamit ng credit card o di kaya, para sa kanila ay kumplikado ang pago-orderonline.Mahigit sa 60 % ng Japanese ang gumagamit ng food delivery service once a year at ino-orderito by phone. Ang percentage na yan ay higit pa sa mga nago-order gamit ang PC, o smartphone.

* Convenience stores are the real competitor to food deliver

Bakit nga ba maliit ang percentage ng food delivery service market sa Japan kumpara sa ibangbansa? Ang difference sa pagitan ng Japan at ibang bansa ay mas madaling makakuha ng highquality food sa convenience store. Maraming convenience stores tulad ng 7-Eleven, Family Mart,at Lawson ay bukas 24/7 at marami kang mapapagpilian sa murang halaga kumpara sarestaurants. Mayroong 55,000 convenience stores sa Japan. Madali mo itong makita dahil kahitsaan ka magpunta ay may convenience stores.Isa pang rason kung bakit konti lang ang market ng food delivery service dahil karamihan saonline food delivery services ay hindi available sa rural areas. At natural mas pipiliin ng mgataga rural areas ang convenience store dahil ito ang kanilang nakikitaat mura pa.