Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Boobay and Tekla: A Different Kind of Comedy

Photo Credit From: GMA 7

Ang Boobay at Tekla show ay nagsimula bilang isang digital show na humamig ng mahigit sa 1 milyong views at libu-libong loyal online fans. Ang kanilang kakaibang pagpapatawa at iba’tibang discussion topics tungkol sa pop culture ang nakakuha ng atensyon ng online viewers atpatuloy silang sinundan dahil na rin sa kanilang katatawanan sa bawat episode.

Ang kanilang second season, ay punum-puno ng katatawanan na kinagiliwan ng buong pamilya.Ang food trip episodes nila, pag-interview sa celebrity guests nila, ang truth or dare games at “24Questions,” ang nagpakita kung gaano kagaling sa pagpapatawa ng dalawang bagong comediansa digital show na sadyang naging libangan ng mga manonood.

At pagkatapos ng online success ng The Boobay and Tekla show, mas lalo itong tinangkilik ng kanilang masusugid na tagahanga nang ilipat ng pamunuan ng GMA Network ang kanilang digital show sa telebisyon. Ito ay itinapat sa isang higante tv show sa kabilang network ang Gandang Gabi Vice (GGV) ni Vice Ganda na halos 8 taon naring umere sa ABS CBN.

Ang main purpose nila kung bakit ipinanganak ang show na ito ay para ma-entertain ang viewers. Ni sa hinagap ay hindi nila inisip na makipag-kumpitensiya sa ibang programa na parang babangga sa pader. Pero desisyon ng management ang ilagay sila sa late evening timeslot.

Nagpapasalamat si Boobay sa GMA Network at sa management dahil itinuloy ng GMA Network ang saya at inilagay na sila sa bigger screen na telebisyon para mabigyan sila ng chance upang ma-reach ang bigger audience.

Ayon naman kay Tekla, “Yung nararamdaman ko is tuwa and at the same time, challenging dinito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na responsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang yun, pero para sa amin, seryosong bagay ito. Pero mas nangingibabaw yung feeling na lumevel up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon sa national television na. Buong mundo na ang makakanuod sa amin so pinapangako namin na mag-e-exert pa kami ng more effort and ideas.

Boobay

Si Norman Balbuena sa tunay na buhay. Madalas siyang napapanood sa iba’t ibang GMA News and Public Affairs shows bilang co-host. Naging regular co-host siya sa award-winning comedy-game show na Celebrity Bluff kasama ang main host na si Eugene Domingo.

Taong 2004, nang subukan ni Boobay ang show business nang mapasama siya sa KiliTVComedy Hunt ng GMA Network, isang talent competition para sa comedians. Hindi man siya nanalo sa contest ay nakaabot siya sa top 15 finalists. At dahil may nakitang potensyal sa kanyabilang comedian si Director Cesar Cosme, tinawag niya si Boobay para sa isang TV project at bininyagan siya ng pangalang, “Boobay” dahil kahawig niya ang sexy comedian na si Ethel Booba. At pagkatapos nun ay nagkaroon siya ng guestings sa iba’t ibang shows sa GMA 7 at ini-spoof niya sina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto.

Pagkatapos nitong mag-aral ay nag-apply siya bilang production assistant at si Direk Cosme din ang nagbigay sa kanya ng break para makasama sa now defunct show na Takeshi’s Castle ninaJoey de Leon atRyan Yllana. Isa sa big break niya ay nang mag-host siya ng Extra Challenge kasama sina Marian Rivera at Richard Gutierrez. Napasama rin siya sa isang comedy sitcom na Ismol Family. Versatile si Boobay dahil sa bukod sa comedy ay pinatunayan din niya na siya ay pwede sa drama at ang kauna-unahang dramatic role na kanyang ginampanan ay ang life story ni Paul John Presado, ang dubsmasher na nag-viral dahil sa posting ng video niya sa social media at ito ay sa programang “Magpakailanman: Ang Ganda na ‘di Nakikita. At sa pangalawang pagkakataon ay sa Magpakailanman: Una Siyang Naging Akin kasama ang aktres na si Glaiza de Castro.

Naging isa siya sa paboritong co-host sa iba’t ibang programa ng GMA 7 at napasama rin siya sa cast ng Eat Bulaga’s Kalyeserye bilang si Yaya Pak. At naging co-host din siya ni Marian sa morning talk show nito na Yan ang Morning. Nagpatuloy ang pag-akyat ni Boobay sa tagumpayat hindi siya nakalimot na magpasalamat sa management ng GMA Network at sa mga taong tumulong upang marating niya ang kanyang pangarap.

Super Tekla

Si Romeo Librada sa tunay na buhay na tulad ni Boobay ay nagsimula sa mababa at unti-unting nakaakyat sa tagumpay. Nag-umpisa sa pagkanta-kanta sa stage sa malls at sa comedy bars. Nadiskubre siya at naging regular stand up comedian sa isang popular na comedy bar. Nakilala siya bilang impersonator nina Celine Dion at Whitney Houston.

Nag-appear bilang contestant si Super Tekla sa game show ni Willie Revillame at nakita ni Willie ang potensyal nito kaya kinuha itong maging isa sa co-host ng naturang programa. At sa show na yun ay nabuo ang comedic duo nila ni Donita Nose. Pagkatapos ng isang taon, inalis siya ni Willie dahil nakarating kay Willie na naging alcoholic at sugarol itong si Tekla na malaunan ay inihingi na rin niya ng paumanhin.

Pagkatapos ay naayos ulit ang career ni Tekla at pumirma siya ng kontrata sa GMA Artist Centerat lumabas siya sa iba’t ibang programa ng GMA 7 tulad ng Alyas Robin Hood, Trops, at Celebrity Bluff. Isang major role ang napunta kay Tekla nang siya ay mapasama sa teleseryeng Inday Will Always Love You bilang gay sidekick ng lead actress na si Barbie Forteza. Na-feature din ang talambuhay ni Tekla sa programang “Magpakailanman” na nakakuha ng mataas na ratings.

Sa kasalukyan ay suspended muna ang show dahil sa pandemic na coronavirus pero pangako nila na babalik sila sa telebisyon kapag bumalik na ang lahat sa normal at makakaasa ang manonood na patuloy silang magbibigay ng kasiyahan sa kanilang mga tagahanga. Ang Boobay and Tekla Show ay idinirehe ni Rico Gutierrez.