Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“First Lady” airs highly-anticipated finale last Friday

Matapos ang ilang buwang pamamayagpag sa ratings at kinagiliwan ng mga manonood, ang top rating primetime series na First Lady para sa kinasasabikang finales nito.

Ang loveteam nina Gabby Concepcion bilang si President Glenn Acosta at ang multi-talented Kapuso actress na si Sanya Lopez na gumaganap bilang si Firsy Lady Melody Acosta ay unti –unti na ring nalulungkot dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang series.

 “Marami kaming fun memories together from day one until the last day of taping. Mami-miss ko ‘yong camaraderie, brotherhood and family bonding. We’ve developed true friendship talaga,” ayon kay Gabby.

Mami-miss ko ‘yong tawanan at kulitan namin sa set. Nandiyan na ‘yong samahan at pagmamahal namin sa isa’t isa bilang pamilya. Pero excited kami sa mga bagong opportunity na darating sa mga buhay namin,” lahad naman ni Sanya.

Marami ang umaasa na magkaroon ng book 3 ang nasabing teleserye at nag-express din appreciation para sa show dahil napapasaya nila ito.

Bukod kina Gabby at Sanya ay nagpapasalamat rin ang ibang cast na siguradong mami-miss nyo rin, sina Pancho Magno, Ms. Pilar Pilapil, Boboy Garovillo, Maxine Medina, Thou Reyes, Ms. Sandy Andolong, Rocco Nacino, Cassy Legaspi, JD Domagoso, Clarence Delgado, Patricia Coma, Isabel Rivas, Francine Prieto, Samantha Lopez, Shyr Valdez, John Feir, Divine, Kakai Bautista, Analyn Barro, Glenda Garcia, Cai Cortez, Thia Thomalla, Anjo Damiles, Jon Lucas, Jerick Dolormente, Muriel Lomadilla, Kiel Rodriguez,  Atak, Cecil Paz, and Ms. Alice Dixson.

Abangan ang kapana-panabik na pagtatapos ng First Lady sa July 1, Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *