Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Everlasting

Maraming nagsasabi na ang lutuing ito ay galing sa Marikina City kung saan ginawa ito mula sa tira mula sa menudo na itininda sa carinderia at sa malaunan ay ginagawa na ito na gamit ang sariwang sangkap at hindi na yung tira-tira o left over. Sa Marikina, ang Everlasting ay ang version ng meatloaf sa Marikina.
Sangkap:

· 650g giniling na baboy (15% fat)
· 1 malaking chorizo, hiwaing manipis
· 2 nilagang itlog, hiwain sa gitna
· ½ tasang kinudkod na quick melt cheese o processed cheese
· ½ bell pepper na pula, hiwain
· ¼ tasang pasas
· 3 kutsarang sweet pickle relish
· 2 kutsarang tomato paste
· 2 kutsarang soy sauce
· 4 itlog, batihin
· 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
· 1 sibuyas, tadtarin
· asin
· paminta
· mantika
· margarine

Paraan:
  1. Lagyan ng mantika ang kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ihalo ang giniling na baboy at chorizo at lutuin sa loob ng 10 minuto.
  3. Idagdag ang bell pepper na pula, tomato paste, soy sauce at pickle relish at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto.
  4. Ihalo ang pasas at keso, lagyan ng asin at paminta. Patayin ang apoy at itabi at hayaang lumamig.
  5. Ilagay ang binating itlog at itabi.
  6. Ihanda ang 4 na llanera, punasan ng margarine ang loob ng llanera para hindi dumikit ang giniling. Ilagay ang kalahati ng nilagang itlog sa bawat llanera at ilagay ang meat mixture sa llanera.  Takpan ito ng aluminum foil.
  7. Ilagay sa steamer at i-steam sa loob ng 1 oras.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net