Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Enrile: Robredo, maisusulat sa kasaysayan

Kahit pumayag o hindi ang Commission on Appointments (CA), para kay Senate President Juan Ponce Enrile, si Sec. Jesse Robredo ay ang opisyal na kalihim ng Department of Interior and Local Government ng bansa. Naalala ni Enrile na bago mangyari ang trahedya ay inaayos na ng CA ang pagluklok kay Robredo. Nilinaw din niya na bagamat hindi opisyal na nakaluklok si Robredo bilang kalihim, parte pa rin ito ng Gabinete at lahat ng pinirmahan niya ay opisyal maliban na lamang kung ang mga proyekto nito ay ilegal at labag sa konstitusyon. (Philippine Daily Inquirer)