Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Ateneo, kinampihan ang Simbahang Katolika

Walang simpatiyang natanggap ang 159 na propesor sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagtuligsa ng Simbahang Katolika sa nakabinbin na RH Bill. Ayon kay Fr. Jose Ramon Villarin, presidente ng Ateneo, na hindi nito sinusuportahan ang RH Bill at tutulong para sa ilang pagbabagong gagawin kung ito man ay maipatupad. Samantalang sumabog naman ang ilang alumni ng Ateneo at supporters ng RH Bill sa pahayag ni Bishop Leandro Medroso dahil tinatapakan nito ang ‘academic freedom’. Ang pagpasa ng RH Bill ay kinakailangan dahil bagamat karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko, gusto ng karamihan ng mga mamamayan ang maayos at malawakang sakop ng family planning. (Philippine Daily Inquirer)