Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Enjoying Fireworks with Care

Sa lungsod ng Tokyo ay marami kang makikitang tindahan o wholesalers na matagal nang nagtitinda ng fireworks at marami sa customers ang dati na nilang mga parokyano dahil sa iba’t ibang items na kanilang ino-offer. Malapit sa kalye ng Edo na nakahilera sa Sumida River, dito matatagpuan ang iba’t ibang fireworks wholesalers. Isa sa wholesalers na ito ang Hasegawa Shoten, na nag-o-operate sa area ng Asakusabashi sa mahigit sa 60 taon, nagbebenta ng original fireworks at gumagawa na ayon sa request ng bawat customers.

Hasegawa store

Address: 2-7-3 Yanagibashi, Taito-ku, Tokyo
Business hours: 10:00 AM- 6:00 PM  (with weekends and regular holidays)
To get there: 5-minute walk from JR Sobu Line “Asakusabashi” station
Telephone: 03-3851-0151
For more information: http://www.21hasegawa.jp/

Iba’t ibang klase ng fireworks ang ino-offer ng Hasegawa store:

1. Midtown Susuki (less smoke) – a smokeless Sukisu fireworks display na gawa sa tradisyonal na newspaper at Japanese paper. Ang burning time nito ay 40 seconds sa halagang 140 yen.


2. Man’s Flower Road – mini firework na tumatagal ng 10-15 segundo na nagkakahalaga ng 200 yen.


3. Mount Fuji (China) – Green star at gold spark na kapag sinindihan, ito ay kumakalat na parang hagdan paakyat sa itaas at nabi-blink na star flicks sa halagang 300 yen.

4. Gyafun (domestic) – Hindi mabilang na stars na kulay pula at dilaw na parang bouquet of flowers at sa bandang huli ay humahaging na sound ng mumunting bituin ang paakyat sa itaas. Nagkakahalaga ng 1,000 yen.

5. 15 umbrella parachute – sa umaga lamang ito ginagamit na nagkakahalaga ng 1,000 yen.

Ang paglalaro ng handheld fireworks ay isa sa ine-enjoy lalo na ng mga kabataan during summer sa Japan. Subalit, hindi nawawala ang paalala ng mga nagtitinda nito na maging extra cautious sa paghawak ng handheld fireworks.
Rules to Enjoy Fireworks at Their Best

Laging tandaan, ang paglalaro ng handheld fireworks na walang pag-iingat ay maaaring magdulot ng kapahamakan. 
–   Ilayo ang basurahan sa inyo habang naglalaro ng fireworks.
–   Huwag gagamit ng rocket fireworks sa close na neighborhood.
–   Iwasan ang mag-ingay bilang courtesy sa kapitbahay lalo na sa gabi.
–   Huwag gamitin ang fireworks sa paraan na makaka-endanger ng sarili at mga tao sa iyong paligid.
–   Huwag sisindihan ang fireworks na katabi ang mga bagay na madaling magningas tulad ng papel o rubber.

What You Should Prepare for the Fireworks

1.   Isang timbang puno ng tubig na kakailanganin pagkatapos maglaro ng fireworks
2.   Garbage bags para ipunin at itapon ang mga gamit na fireworks at iuwi ito
3.   Magdala ng lighter pansindi ng fireworks. Ingat sa paggamit ng lighter para hindi mapaso o makapaso.

Places Where You Can Play with Handheld Fireworks in Tokyo

Bago bumili ng handheld fireworks ay i-check muna kung ito ay pwedeng gamitin sa inyong lugar. Kagaya sa park, beaches o sa lugar kung saan malaki ang space at huwag kakalimutan alamin kung pwedeng maglaro ng fireworks o hindi. Ilang suggested places kung saan pwedeng maglaro ng handheld fireworks:

  1. Komazawa Olympic Park Central Plaza
  2. Arakawa Riverbed
  3. Nakano Heiwanomori Park

Photo credit from Hasegawa store (website)