Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Crispy Tadyang ng Baka

Ang Crispy Tadyang ng Baka o Crispy Beef Ribs ay isang uri ng pagkaing pulutan ng mga Pinoy. Dalawang beses ang pagluluto sa ribs o tadyang. Una, pakukuluan sa sabaw ng adobo o may toyo at kapag malambot na ang karne ay saka idi-deep fry ( prito). Maaari rin itong gawing appetizer o maaaring kainin na may kasamang kanin. masarap ito kapag may sawsawang sukang maanghang.

Sangkap:
  • 1 kg beef spareribs, hiwaing malilit na parang riblet
  • 1/2 tasang soy sauce
  • 1 buong bawang, pitpitin
  • 2 pirasong star anise
  • 3 pirasong bay leaf ( dahon ng laurel)
  • 1 kutsarang asukal
  • 1 kutsaritang pamintang buo
  • 3 tasang tubig
  • mantika

Vinegar Dip

  • 1 tasang suka
  • 3 siling labuyo o medyong maanghang na sili, tadtarin kasama ang buto
  • 1maliit na sibuyas, tadtaring pino
  • 2 piraso ng bawang, hiwang maliliit
  • 1kutsarang asukal
  • pamintang durog
Paraan:
  1. Ilagay ang ribs sa kaserolang may tamang dami ng tubig. Takpan ang kaserola hanggang sa ang tubig ay kumulo at makikita mo ang mga dumi ng baka na lulutang sa ibabaw. Patayin muna ang apoy. tanggalin ang tubig at hugasan ang ribs sa tubig.
  2. Ibalik ang ribs sa kaserola kasama ang lahat ng sangkap maliban sa mantika. Pakuluin at hayaang kumulo sa katamtamang lakas ng apoy sa loob ng 1 1/2 oras o hanggang sa ito ay lumambot.
  3. Hanguin mula sa tubig ang pinalambot na ribs at itabi at hayaang lumamig. Kapag medyo malamig na, ilagay sa paper towel upang sipsipin nito ang natitirang tubig mula sa ribs, palitan ng paper towel kung kinakailangan at ilagay sa ref sa loob ng 4 na oras.
  4. I-prepara ang deep fryer o kawali na may mantika, painitin ito at kapag mainit na ang mantika ay saka ilagay ang ribs hanggang sa ito ay lumutong.
  5. Hanguin at ilagay sa paper towel para sipsipin ang sobrang mantika.
  6. I-prepara ang sawsawan, paghaluin ang lahat ng sangkap at saka ihain ito kasama ang malutong na ribs.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net