Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Angelic Face Angelica

Angelica Panganiban

Nasilayan natin ang paglaki ni Angelica Panganiban sa showbusiness. Mula pagkabata ay nasubaybayan natin ang unti-unti niyang pag-imbulog sa pelikula at telebisyon. At masasabi nating isa si Angelica sa mahusay nating artista. Si Angelica ay miyebro ng ABS CBN’s elite circle ng homegrown talents na tinatawag nilang, Star Magic. Sa murang edad na 6 ay lumabas na siya sa TV show na, Love Note. Taong 1990 ay nag-umpisa siyang lumabsa sa pambatang afternoon show na kinagiliwan ng maraming manonood, Ang TV. Ang kanyang unang pelikula ay ang Antipolo Massacre. Napasama din siya sa pelikulang Separada at ang Sarah…Munting Prinsesa. Bukod sa sa best child actress award ay nakakuha din siya ng ilang nominations mula sa Famas at PMPC Star Awards.
Sa maraming taon ay gumanap na teeny bopper roles sa G-Mik at Berks. Taong 2004 nang siya ay nagkaroon ng matured role sa pelikulang siya rin ang bida, Santa Santita kung saan siya ay nakakuha ng best actress nominations mula sa Film Academy of the Philippines or FAP Luna awards, FAMAS Awards, at ENPRESS Golden Screen Awards. Nakilala rin siya bilang dramatic actress sa pelikulang Iisa Pa Lamang at Rubi kung saan siya ay tinanghal na Best Actress at Best Supporting Actress awards at nominations mula Film Academy of the Philippines o FAP Luna Awards, ENPRESS Golden Screen Awards, and PMPC Star Awards. Bukod sa pagiging dramatic actress ay mahusay rin siya bilang isang comedy actress sa pamamagitan ng show nilang Banana Split kung saan ito ay tinanghal na best comedy actress. Sa dami ng kanyang acting awards ay masasabi nating isang multi-talented na artista itong si Angel.

Angelica Panganiban

Maganda man ang takbo ng career ni Angelica, marami sa kanyang mga tagahanga ang nakasaksi rin sa kanyang pribadong buhay. Ang kanyang lovelife na ang akala ng iba ay sa altar ang kahahantungan subalit hindi pala. Naghiwalay sila ng dating niyang kasintahan na si Derek Ramsay. Walang nakakaalam kung ano ang talagang dahilan ng kanilang paghihiwalay hanggang sa biglang nag-post si Angelica ng pahaging sa kanyang tweeter at dun nahinuha ng mga tagahanga niya kung sino ang nagkulang sa kanilang relasyon. Hanggang sa dumating sa buhay ni Angelica si John Lloyd Cruz at sa pamamagitan ng kanyang instagram ay inilabas niya ang kanyang saloobin.
Open book ang lovelife ni Angelica at maraming natutuwa dahil naka-move on na siya. Bukod sa masayang lovelife ay sunud-sunod pa ang pelikulang kanyang ginagawa na nagbibigay din sa kanya ng iba’t ibang acting nominations mula sa iba’t ibang acting guilds. May mga detractors na nagsasabing hindi magtatagal ang relasyon nila ni Lloydie dahil sinasabi ng iba na si Lloydie daw ay babaero at paiiyakin lamang siya nito. Subalit ipinagtanggol ni Angelica ang nobyo.
Kamakailan lamang ay in-interview si Angelica at ito angkanyang sinabi,” ang relasyon namin ni Lloydie ay getting stronger each day at hindi totoong nawawalan na kami ng panahon sa isa’t isa dahil sa parehong hectic ang schedules namin, pero kami pa rin at maligayang-maligaya ako ngayon,” paglalahad ni Angie.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagsalita si Angelica laban sa mga haters niya at kinuha niya sa quote mula sa 10 Commandments “#9 huwag manirang puri sa kapwa tao… Huwag magsinungaling… — tamaan na ang guilty… Malungkot isipin na kabuhayan nila ang manira ng kapwa. Mas maayos sana ang takbo ng buhay if we live in peace.. Si Lord na ang bahala sa inyo. Stop hating us just because were happy. I sincerely pray that who ever is guilty may find his happiness.. 🙂 and may he realize that making up stories is not a profession.. God bless you. :),” ang mga isinulat ni Angelica.
“Recently lang kasi may mga issue na lumalabas na talagang walang katotohanan ni maliit na porsiyento sa binabatong tanong sa akin. So minsan hindi mo alam kung paano ipapaliwanag o idi-defend ang sarili mo na hindi ka lalabas na guilty,” saad niya.

“Kaming mga artista ang trabaho po namin, wala kaming ibang ginawa kung hindi bigyan kayo ng entertainment, ng magandang mapapanood niyo. ‘Yung ibang tao, wala ding ginawa kung hindi mangalkal nang mangalkal ng baho ng ibang tao para siraan sila, para pabagsakin ‘yung career nila, at ‘yun ang bread and butter nila. Nakakalungkot. Kaya may nilagay ako doon na I don’t think propesyon ‘yung tawag doon sa paninirang puri ng ibang tao,” dagdag pa niya.

Anyway, so much for her lovelife. Naiintidihan naman natin ang sentimiyento ni Angelica dahil bakit nga ba ang mga tao ay hindi nasisiyahan kapag maligaya angisang artista. Hindi naman siya naging maramot dahil nagpo-post siya sa kanyang instagram account sa mga kaganapan sa lovelife niya. Kaya naman sinusuwerte din si Angelica sa kanyang career. Sabi nga ng iba ay hindi dapat ipinagsasabay ang career at pag-ibig pero iba sai Angie.
Sa ngayon ay masayang masaya siya dahil ang kanyang bagong soap opera, Apoy Sa Dagat” ay tagumpay sa ratings game. Kasama niya sa naturang serye sina Diether Ocampo at Piolo Pascual.
Ang “Apoy Sa Dagat” ay kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang “Apoy Sa Dagat” ay sesentro sa buhay ni Serena (Angelica), isang dalagang napadpad sa isang isla at lumaki nang walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang matibay na sandigan sa katauhan ni Ruben(Piolo) na kalauna’y bibihag sa kanyang puso. Kasama rin si Diether na gaganap bilang si Anton.

Bukod kina Angelica, Diether, at Piolo, bahagi rin ng cast ng de-kalibreng primetime teleserye sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, at Mikaila Ramirez. May special participation sa serye sina Nikki Gil, Empress, at Patrick Garcia. Ang “Apoy sa Dagat” ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.