Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Covid-19 Vaccine: Efficacy and Safety

Matapos ang isang taong paghihintay, narito na ang pinakahihintay ng marami, ang bakuna laban sa Covid-19. Sa loob ng ilang buwan ng masusing pagsusuri at pananaliksik inilabas ng iba’t ibang pharmaceutical companies ang kani-kanilang bakuna kontra Covid. Although, alam ng lahat na ang bakunang nilikha ay para panlaban sa covid, gusto rin malaman ng lahat kung gaano ba ka-effective at ligtas ang bakunang ito kapag ibinigay na sa tao.

Narito ang listahan ng mga vaccines na aprubado ng World Health Organization:

As of March 2021, labindalawang (12) vaccines ang binigyan ng authorization, at least isa sa national regulatory authority para i-administer sa tao; ang dalawang (2) RNA vaccines mula sa Pfizer-BioNTech at Moderna, apat (4) na conventional inactivated vaccines ang BBIBP-CorV, Covaxin, CoronaVac, at CoviVac, apat (4) na vaccines ng Sputnik V, Oxford–AstraZeneca , Convidicea, at Johnson & Johnson, at dalawang (2) protein sub-unit vaccines ang EpiVacCorona at RBD-Dimer.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang distribution at pag-aadminister ng mga nasabing bakuna sa iba’t ibang bansa para magtuluy-tuloy na ang pagpigil sa pagkalat pa ng covid-19 virus at umaasa ang karamihan na bago matapos ang taon na ito ay nabakunahan na ang halos lahat ng tao sa buong mundo.

At sa paglabas ng mga bakuna, pinaplano ng bawat pamahalaan kung sino ang dapat na maunang bigyan ng bakuna. Napagkaisahan nila na ang frontliners o mga duktor at nurses na 24/7 nakatuktok sa kalagayan ng mga pasyente sa ospital. At susunod ay ang seniors o matatanda na high risk sa covid virus at iba pang mga high risk na depende sa edad.

Sa bansang Japan, ang unang bakunang kanilang inaprubahan para sa gamitin sa kanilang mamamayan ay ang Pfizer–BioNTech at kasalukuyang naghihintay ng approval ang Oxford–AstraZeneca at Moderna.

Kahit nariyan na ang mga bakuna, bakit tila may ilan sa mamamayan ang nag-aalinlangan na mabigyan ng bakuna laban sa covid-19 virus? Kase, may naibalita na yung mga unang nabakunahan ay nagkaroon ng severe side affect na naging dahilan ng kanilang pagkamatay. Natakot ang ilan sa mga tao dahil hindi nila alam kung safe ba ang mga bakunang ito. Let’s face it, ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang health issues. Mayroon din naman na healthy pero kahit paano ay nagkakaroon pa rin ng side effect ang gamot sa kanilang katawan.
Ayon naman sa mga pharmaceutical companies na kung mayroon mang adverse effect ang kani-kanilang bakuna, yun ay minimal lamang at hindi makaka-apekto as a whole sa isang tao.

Ang effectiveness ng mga bakunang ito ay inilahad rin ng bawat pharmaceutical company para naman magkaroon ng katiwasayan ng pag-iisip ang mga mamamayan na mabibigyan ng bakuna. Ang Pfizer vaccine ay 94% effective at kinakailangan 2 dosage. Ang Moderna ay 94% din ang effective at kailangan din ng 2 dosage. Ang Oxford–AstraZeneca ay nasa 70% effective at ang iba pang vaccines ay at least nakatuntong sa 50% pataas effectiveness.

Ayon na rin sa mga pharmaceutical companies na ito, ang pagtitiwala ang kanilang hinihiling sa mga tao dahil ang pagsasaliksik at pagsusuri ang kanilang ibinuhos para maging safe ang mga bakunang ito para i-administer sa mga tao upang magkaroon sila ng panlaban sa mabagsik na coronavirus.

After na mabakunahan ang frontliners ay may nagtanong kung hanggang kailan sila magiging immune sa covid-19 virus. Ayon naman sa scientists na gumawa ng bakuna, pwede mga ilang buwan na may immunity laban sa covid-virus pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na susunod sa health protocols ng pamahalaan. Kailangan pa ring magsuot ng masks at maghugas ng kamay at gumamit ng face shield sa ilang bansa.

Unti-unti ang pagbabalik ng buong mundo sa pagiging “normal” dahil may mga natutuklasan silang bagong variants ng covid, Ito ay ang covid variants mula sa UK, covid variants mula sa Africa at covid variants mula sa Brazil. May nagsasabing, hindi diumano effective ang ilang bakuna laban sa mga covid variants na ito at ang ikinababahala pa ng mga tao ay mabilis ang pagkalat nito. Kaya, totoo man o hindi tumatalab ang ilang bakuna laban sa bagong variants ng covid, tayong lahat ay mag-ingat pa rin hanggang sa tuluyan nang mapuksa ang paglaganap pa ng covid virus.

Ang Takeda Pharmaceutical Company Limited ng Japan ay nag-apply para mabigyan ng authorization sa Ministry of Health, Labor and Welfare ng Japan para mag-manufacture at mag-market ng bakuna na na-develop ng Moderna. Ang layon nila ay upang mas madali ang pag-transport ng bakuna sa iba’t ibang lugar ng Japan. Pumirma na rin ng kontrata ang pamahalaang Japan para sa 40 million supplies bago matapos ang June at karagdagang 10 million bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Bukod sa mga naunang bakuna na nailabas ng Pfizer, Astra Zeneca, Moderna, Takeda Pharmaceuticals ay may iba pang mga pharmaceutical companies na patuloy ang pag de-develop at testing upang mailabas na ang kanilang tinutuklas na bakuna.

Ang tulong na maibibigay ng sangkatauhan ay sumunod sa health protocols ng kani-kanilang pamahalaan upang tuluyang mapigilan ang pagkalat o pananalanta ng covid-19 virus.