Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Copycat Jollibee Honey Beef Rice

Sangkap:

Beef

· 800 g manipis na hiwa ng rump steak o sukiyaki cut

· 1 malaking putting sibuyas, hiniwang manipis

· mantika

Sauce

· 1/4 tasang butter

· 2 kutsarang harina, kanawin sa 1/2 tasang tubig

· 1/3 tasang Filipino soy sauce

· 2 kutsarang oyster sauce

· 2 kutsarang hoisin sauce

· 1 1/2 tasang tubig

· 1/3 tasang honey

Others

· rice (kanin), as desired

Paraan:

1. Maglagay ng 3 kutsarang mantikas sa mainit na kawali, at kapag naguumpisa nang umusok at ilagay ang beef at haluin hanggang magkulay brown ito. Kakailanganing by batch ang pagluto sa beef para maiwasan itong mag-release ng juice, kailangan nito ng mainit na apoy. Hanguin ang beef mula sa kawali at itabi.

2. Gamit ang parehong kawaling pinaglutuan ng beef, magdagdag ng mantika at igisa ang sibuyas sa katamtamang init ng apoy, igisa sa loob ng 1 minuto hanggang yung layers ng sibuyas at maghiwalay.

3. Maglagay ng tubig para ma-deglaze ang kawali at pakuluin.

4. Pagsamahin sa isang mangkok ang kinanaw na harina, soy sauce, oyster sauce, hoisin sauce at honey, haluing mabuti at ibuhos sa kawali. Itaas ang init ng apoy at pakuluin.

5. Ibalik ang beef, haluin para mabalot ang beef sa sauce at ituloy ang pagpapakulo sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto habang nakatakip. Patayin ang apoy.

6. Maglagay ng bagong saing na kanin sa mangkok at maglagay ng tamang dami ng Honey Beef Rice sa ibabaw.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net