Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Copycat Jollibee Burger Steak

Sangkap:

Burger Patty

· 700 g giniling na beef (35% fat)

· 300 g giniling na pork (35% fat)

· 1 kutsaritang onion powder

· 1/4 kutsaritang paminta

· 1 kutsaritang asin

Gravy

· 1 tasang canned sliced button mushroom

· 1/4 tasang mantika mula sa piniritong patties

· 115 g butter

· 4 tasang good quality beef stock o 2 Knorr beef cube (Filipino version) kanawin sa 4 na tasang tubig

· 1/2 tasang harina

· asin

· paminta

Paraan:

1. Pagsamahin ang lahat ng sangkap sa burger, haluing mabuti gamit ang kamay at i-shape sa patties na 1 ½ cm ang kapal.

2. Ihanda ang malaking pan at sa malakas na apoy, maglagay ng mantika at kapag mag-umpisa nang umusok, hinaan ang apoy sa medium at iluto ang burger sa loob ng 2 ½ minute sa magkabilang sides, ilagay sa plato at takpan ng aluminum foil para hindi matuyo.

3. Sa magkaibang pan, maglagay ng mantika at buter, lutuin sa mahinang apoy hanggang matunaw ang butter.

4. Ilagay ang harina at haluin hanggang mag-form ng roux, kapag nagkulay light brown na, ibuhos unti-unti ang beef stock.

5. Lasahan ng asin at paminta, unti-unting pakuluin at hayaang kumulo hanggang lumapot ito.

6. Ilagay ang mushrooms at hayaang kumulo sa karagdagang 1 minuto.

7. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng mga burger patties at ihain kasama ang kanin.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net