Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Choosing to Live in Japan

Sa makabagong panahon ngayon, marami na sa ating mga kapwa Pinoy ang nangangarap na tumira sa ibang bansa sa maraming kadahilanan. Una na riyan ang kagustuhang mabago ang takbo ng kanilang buhay. Hindi lang mga Pilipino ang nakikipagsapalaran, kundi ang ibang lahi rin sa buong mundo. Ang Asya, European o Western countries na nangingibang bansa para sa ibat’t ibang kadahilanan.

Sa mga bansang pinagpipilian ng mga adventurers na ito, isa ang Japan sa kanilang sinusubukang puntahan at tirhan ng mga foreigners. Ang Japan ang isa sa mga nakaka-attract ng foreigners lalo na ang mga Europeans at Americans.

1. Economic/Work

Hindi kalayuan ang Japan sa Pilipinas. Tatlo hanggang apat na oras by plane ay mararating mo na ang Land of the Rising Sun. Kaya kapag may oportunidad ay hindi na nagaatubili pa ang mga Pinoy na mag-apply dahil sa mataas na pasahod. Mula sa working class hanggang sa professionals ay mas pinipili nilang magtrabaho sa Japan dahil mataas ang equivalent rate ng minimum wage na pasahod lalo na kapag iko-convert na ito sa currency ng Pilipinas.

2. Security and Safety

Isa rin sa kinokosidera ng isang foreign worker, foreign businessman o tourist ay ang security at safety na lugar. Sa parteng ito ay masasabing safe at secured ang Japan. Halimbawa ay may nakaiwan ng bag o gamit sa isang lugar, asahan mong ito ay makukuha mong muli.

3. Healthy and Delicious Food

Japanese meal

Mapapansin nating very healthy ang mga Japanese. Health conscious ang mga Japanese kaya mas pinipili ng mga negosyante na pangalagaan ang kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng pag-o-offer ng mga healthy food. Mapapansin mo rin ang mga pagkain ng Japanese ay laging kumpleto, balanse at sariwa.

4. Medical System

Ang mga residente ng Japan ay obligadong magkaroon ng health insurance. Kung ang isang non-citizen ay nagpaplanong manatili sa Japan nang matagal sa isang taon, binibigyan sila ng libreng health care. Ang health insurance na ito ay binabayaran ng nasabing ahensiya ng 70 porsyento para sa medical cost ng pasyente at ang 30 porsiyento naman ay binabayaran ng pasyente.

5. International Marriage

Kung ang pagpapakasal ang pag-uusapan, mas marami sa kalalakihan sa Japan ang pinipiling maging kabiyak ng kanilang puso ay nagmumula sa kalapit bansa nila o Asian countries partikular na mula sa mga bansang China at Pilipinas. Sa mga kababaihan naman ng Japan ay iba-iba at mas malawak ang kanilang pinagpipilian sa pagpili ng kanilang magiging partner sa habang buhay.

Batay sa pinakahuling istatistikang inihayag noong 2018. Ang pinagbatayan DATA ay kinuha mula sa Ministry of Justice. Ang bilang ng mga dayuhang hanggang sa katapusan ng 2017.

Halos kalahati ng mga Amerikano (Westerners) ay nasa Tokyo at Kanagawa. Ang mga Vietnamese (Asians) ay nakapalibot sa buong bansa, pero mas namumuhay sila kung saan maraming mga internasyonal na estudyante. Ang Koreano 30% sa Osaka at Hyogo, ang mga Thais (Thailand) ay naka based sa lugar ng Kanto. Ang mga Pilipino at Tsino ay halos nakapalibot rin sa buong bansa, pero halos 40%~50% ay sa Kanto. Ang mga Taiwanese-Nepali ay pareho lang naka-base sa mga lugar ng metropolitan. Ang Indonesia naman ay nasa Aichi at Tokyo, sa lugar ng Oarai-machi, parte ng Ibaraki, kung saan maraming tumatanggap ng interns sa fisheries processing industry. Ang mga Brazilian ay nasa, Aichi, Shizuoka, Mie, Gunma at Gifu. Ang mga Peruvian ay nagtatrabaho sa mga electric machinery at mga pabrika ng sasakyan at nakatira rin sila sa Aichi, Kanagawa, Gunma, Shizuoka.