Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chinese Beef with Honey and Black Pepper Sauce

Sangkap:

Stir Fry

  • 500 g rump steak (or equivalent) o ang malambot na parte ng baka, hiwain nang katamtamang nipis
  • ¾ kutsaritang baking soda
  • 3 kutsaritang cornstarch
  • 1 kutsarang Chinese cooking wine
  • 1 kutsarang soy sauce
  • 2-3 tangkay ng spring onions, tadtarin, ihiwalay ang berde sa puting parte ng spring onion
  • 2 piraso ng bawang
  • 2 kutsarang mantika

Sauce

  • 3 kutsarang toyo
  • 2 kutsarang oyster sauce
  • 2 kutsarang Chinese cooking wine
  • 3 kutsarang honey
  • 2 kutsarang tubig
  • 1 kutsaritang paminta
Paraan:
  1. Sa mangkok, paghaluin nang mabuti ang baking soda, cornstarch, Chinese cooking wine at toyo.
  2. Ilagay ang karne, at gamit ang kamay, haluing mabuti ang marinade sa kabuuan ng karne at itabi sa loob ng 15 minuto para sipsipin nito ang marinada.
  3. Paghaluin ang lahat ng sangkap para sa sauce sa isang mangkok at itabi.
  4. Ilagay ang kawali sa ibabaw ng lutuan sa mataas na temperatura ng apoy at kapag nag-umpisa nang umusok, ilagay ang mantika at iikot ito sa kabuuan ng kawali.
  5. Hayaang magsimulang umusok at saka ilagay ang karne at hayaan sa kawali sa loob ng 30 segundo hanggang 1 minuto hanggang maging kulay brown ang karne. Haluin sa loob ng 2 minuto.
  6. Hanguin mula sa kawali.
  7. Ilagay ang puting parte ng spring onion at bawang, magdagdag ng mantika kung kinakailangan, haluin.
  8. Ilagay ang pinaghalong sauce at hayaang kumulo. Ibalik ang karne at haluing mabuti ang karne at sauce. Iluto sa loob ng karagdagang 1 minuto.
  9. Patayin ang apoy, ilagay sa serving dish at palamutian ng berdeng parte ng spring onion.