Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Pastel Dish

Sangkap
  • 800g hita ng manok, tanggalin ang buto at hiwain ng pakuwadrado.
  • 3 pirasong malaking pork sausages, lutuin at hiwain
  • 2 katamtamang laki ng patatas, hiwaing pakuwadrado
  • 2 katamtamang laki ng carrots, hiwaing pakuwadrado
  • 2 tasang farmers brown mushrooms, hiwaing makaapat
  • 1 tangkay ng celery, hiwain
  • 1/2 tasang tinadtad na bacon
  • 4 kutsarang butter
  • 1 malaking puting sibuyas, tadtarin
  • 5 pirsaong bawang, pitpitin at hiwain ng maliit
  • 1/2 gatas na malabnaw (evaporated milk)
  • 1/4 tasang harina
  • 3 tasang chicken stock
  • asin
  • pamintang puti
  • tinadtad na parsley
Paraan
  1. Sa kaserola, i-prito ang piraso ng bacon sa butter, kapag brown na ang kulay ng bacon, hanguin at itabi.
  2. Ilagay ang bawang at sibuyas at igisa sa loob ng 1 minuto, hanguin at itabi.
  3. Ilagay ang piraso ng hiniwang manok at i-prito hanggang magkulay brown, hanguin at itabi.
  4. Idagdag ang harina at haluin maigi hanggang mamuo ng bahagya.
  5. Ilagay ang chicken stock, haluing mabuti hanggang maalis ang buo-buong harina at ilagay ang manok, pork sausage, patatas, carrots, mushrooms, fried bacon, fried garlic, fried onions at celery. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto.
  6. Ilagay ang gatas at pakuluin at hayaang kumulo ng karagdagang 5 minuto.
  7. Lasahan ng asin at paminta, budburan ng parsley.

Para  sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net