Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bulanglang Kapampangan

Bulanglang Kapampangan is the perfect marriage between meat and vegetables, it’s not as meaty as sinigang and it’s not a vegetable rich like pinakbet or bulanglang, this simply sits between the two.

Sangkap:

  • 1 kilo pork ribs (yung soft bone sections), hiwain into sections
  • 6 pirasong mapulang laman ng bayabas, hiwain sa dalawa
  • 500 g taro, hiwaing pakuwadrado
  • 1 bungkos ng kangkong leaves, i-trim
  • 12 pirasong okra, i-trim
  • 3 Asian eggplants, hiwain
  • 2 sibuyas, hiwain sa apat
  • 2 malaking kamatis, hiwain sa apat
  • Tubig
  • Patis

Paraan:

  1. Ilagay ang pork ribs, bayabas, sibuyas at kamatis sa kaserola na may tubig na tama lamang para ma-cover ang sangkap. Pakuluin at hayaang kumulo sa mababang apoy sa loob ng 45 minuto.
  2. Idagdag ang taro sa kaserola at lagyan ng patis. Ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto.
  3. Ilagay ang okra at talong at ituloy ang pagpapakulo sa 5 minuto.
  4. Ihalo ang kangkong at pakuluin pa sa karagdagang 2 minuto. Lasahan at dagdagan ng patis kung kinakailangan. Patayin ang apoy at ilagay sa serving bowl at ihain.

Notes: Para sa optional ingredients, pwedeng lagyan ng bangus belly at prawns.

Para sa karagdagang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net