Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Berry Banana Smoothie

Berry Banana Smoothie

Ang smoothie ay isang klase ng inumin kung saan ito ay sinasangkapan ng iba’t ibang klase ng prutas na may halong yelo, asukal o honey, gatas, ice cream o yogurt. Ito ang mas healthy version ng milkshake. Ang pinaka-popular na smoothie noon ay ang banana at pineapple smoothie hanggang sa nadagdagan pa ng iba’t ibang flavor.

Sangkap:
  • 2 pirasong banana, hiwain o durugin
  • 8 pirasong strawberry, frozen
  • 8 pirasong raspberry, frozen
  • 8 pirasong ice cubes, durugin
  • 1 tasang vanilla ice cream (o yoghurt)
  • 1 tasang gatas

Paraan:

  1. Paghalu-haluin ang lahat ng mga sangkap sa blender hanggang sa ang mga ito ay madurog at maging smooth.   

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net