Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Begucan Babi

Ang Begucan Babi ay ibang klase ng Pinoy na lutuing Binagoongan. Halos kapareho dahil baboy ang gamit at may kasamang hilaw na bagoong pero may kasama itong kamatis na nakabawas ng alat at medyo mataas na panlasa.

Sangkap:

  • 1 kg Pork Belly, hiwaing pakuwadrado (cubed)
  • 3/4 tasang hilaw na bagoong alamang (See notes)
  • 1/4 tasang white vinegar
  • 4 pirasong malaking kamatis, tadtarin
  • 1/2 tasang asukal
  • 1 kutsarang annatto powder
  • 1 tasang tubig
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin red onion
  • 4 pirasong siling haba
  • paminta
  • 1/2 tasang pork lard

Paraan:


1. Ilagay ang bagoong sa salaan at hugasan ang tubig para maalis ang lansa at alat. Itabi.
2. Sa kawali, tunawin at initin ang pork lard at ihalo ang pork at lutuin hanggang magkulay brown ito. Hanguin at itabi.
3. Ilagay ang bawang at sibuyas at igisa hanggang lumambot ang sibuyas.
4. Ihalo ang kamatis at annatto powder at lutuin hanggang lumambot ang kamatis.
5. Ibalik ang baboy at lagyan ng suka, bagoong at water, pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 45 minuto o hanggang ang baboy ay lumambot. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
6. Ilagay ang asukal at siling haba at ituloy ang paghalo hanggang mabawasan ang sabaw o likido.
7. Lasahan ng paminta.

Notes:
May dalawang klase ng bagoong alamang, ang isa ay yung iginisa na dark red ang kulay at yung isang klase naman ay hilaw na pink ang kulay. Sa recipe na ito, gamitin ang hilaw na bagoong.

Para sa iba pang recipes. bisitahin ang www.angsarap.net