Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Adobong Pusit

SANGKAP
  • 1 kg maliit na sariwang pusit, linisin at ipreserba ang tinta ng pusit
  • 1 sibuyas, hiwaing maliit (diced)
  • ½ tasang toyo
  • ½ tasang suka
  • 1 tasang tubig
  • 8 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 kutsaritang asukal
  • 6 pirasong siling haba
  • asin
  • paminta
  • mantika
PARAAN
  1. Sa sauce pan, maglagay ng toyo, suka at tubig. Pakuluin. Habang kumukulo, ilagay ang pusit at lutuin sa loob ng 2 minuto. Hanguin ang pusit at itabi pati ang sabaw nito.
  2. Sa kawali, maglagay ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas, kapag naging malinaw na ang kulay ng sibuyas, ilagay ang sili at igisa sa loob ng 1 minuto.
  3. Ilagay ang pusit at haluin sa loob ng 3 minuto. Hanguin ang pusit at ilagay ang toyo at suka mixture na itinabi.
  4. Itaas ang temperatura ng apoy at pakuluin. Ihalo ang tinta ng pusit at hayaang kumulo hanggang mabawasan ang sabaw nito.
  5. Ibalik ang pusit at ilagay ang asukal, hayaang kumulo sa karagdagang 5 minuto. Patayin ang apoy at itabi.

Huwag mag-alala na baka tumigas ang pusit dahil ito ay niluto nang higit pa sa 10 minuto. Ang maliit na pusit ay hindi tumitigas tulad ng malalaki dahil ang kanilang laman ay manipis.