Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

A Bounty Food in Autumn

Ang panahon ng autumn ay hindi lang sa paglalagas o pagpapalit ng kulay ng dahon sa mala-ginituan at pulang kulay nito. Kundi dito rin pumapasok ang panahon na kung saan ay tradisyunal sa bansang Japan, ang panahon ng pagkain na mas kilala sa tawag na “shokuyoku no aki”. Ang tag-ani o harvest ay panahon upang malasap ng mga Japanese ang masaganang ani lalo pa’t ang mga pagkaing napapanahon. Isa sa nagbibigay kasiyahan sa panahon ito ay ang malusog na ganang kumain at mag-enjoy sa mga kilalang mga minatamis na pagkaing gawa sa kastanyas sa panahon lang autumn.

Narito ang ilang pagkaing nasa panahon na laging inaabangan ng mga Japanese lalo na sa panahon ng autumn.

Japanese Autumn Food

Seafood


Shishamo

Kampachi

Saba

Sanma

Shirasu
Asari

Shishamo- Maliit na saltwater fish na tinatawag na shishamo o smelt. Dahil sa liit nito ay maliit din ang tinik na pwedeng kainin kasama ang ulo at buntot nito. Kadalasang iniihaw at ginagawang side dish o appetizer.

Kampachi- Japanese name ng yellowtail amberjack na kadalasang nahuhuli kapag panahon ng autumn. Ang Autumn amberjack ay isang klase ng isda na maputla, malaman at manamis-namis. Masarap itong gawing sushi at sashimi dahil sa taglay na alat at asim na lasa.

Saba- O mackerel ay isa sa paboritong pagkain ng mga Hapon sa loob ng ilang centuries sa panahon ng autumn. Ito ay masarap lalo na sa pagitan ng late autumn at winter season. Ito ay malasa at ma-krema at maaaring iluto sa iba’t ibang paraan tulad ng pickled, braised, at simpleng inihaw sa asin.

Sanma- O Pacific saury, balat nito ay kulay silver, malinamnam at malasa sa lahat ng pagkain sa fall. Tinaguriang “autumn knifefish,” dahil sa hugis kutsilyo. Ito ay kadalasang inaasinan at iniihaw at nilalagyan ng kinudkod na daikon at sinasamahan ng miso soup at kanin na sadyang kinagigiliwan ng mga Japanese.

Shirasu- Maliit na dilis na nahuhuli lamang sa panahon ng autumn. Maaaring kainin ng hilaw o pinakuluan at pinatutuyo. Ang tamang panahon ng pagkain nito ay autumn dahil may taglay itong fat na nagbibigay init sa taglamig.

Asari- Maliit pero malasa ang taglay ng halaan na ito. Ito ay inilalagay sa miso soup na may kasamang Japanese-style wafu pasta. Ang malinamnam na lasa nito ay pwedeng isama sa kanin habang niluluto ang kanin at magiging asari-gohan na kinalulugdan ng mga Hapon.

Fruits and Nuts


Kaki- Persimmon ang tawag dito. Ang kulay yellow/orange na sadyang nakakatawag pansin din ang manamis-namis/mapakla at mapait na lasa nito. Pwedeng kaining hilaw o dried. Ang tamis na lasa ng persimmon ay lumalabas kapag ito ay pinatutuyo.

Citrus Fruits- Ang yuzu at sudachi ay dalawang klase ng Japanese citrus fruits na lumalabas sa panahon ng autumn. Ang yuzu ay kulay dilaw na mandarin pero mas maasim at pwedeng gamitin mula pagluluto. Ang sudachi ay maliit na berdeng prutas na kahawig ng lime o lemon. Ginagamit itong pang-dekorasyon sa mga tradisyunal na Japanese dishes.

Figs- Ito ay hindi pangkaraniwang ginagamit sa pagluluto ng Japanese pero ang Middle Eastern fruit na ito na itinanim sa Japan ay binigyan ng Japanese name na ichijiku. Binabalatan at kinakain ng hilaw, pero pwede rin itong gawing dessert tulad ng baked tarts o niluluto para maging jam.

Chestnuts- Kastanyas ay nabubungkal sa ilang parte ng Japan at naging paboritong pagkain ng mga Hapon sa panahon ng autumn. Pwede itong isangag at gawing snack (yaki-guri). Niluluto rin kasama sa kanin (kurigohan). Ginagamit din ito sa mga tradisyunal na paggawa ng matamis tulad ng (wagashi) at ang Western sweets na tinatawag na mont blanc cake.

Vegetables


Satsumaimo- Mapulang klase ng kamote na makikita sa panahon ng autumn. Pwedeng durugin, i-deep fry o pakuluan para gamiting sweet potato tarts.

Kabocha- Ang kalabasa na kulay bright orange ay malambot ang laman at matamis at nutty flavor. Pwede itong gawin sa iba’t ibang paraan tulad ng pag-deep fry sa tempura o lutuin sa soy sauce at dashi broth.

Mushrooms – May iba’t ibang klase ng mushroom kung saan ang peak ng pag-harvest nito ay kapag malamig ang panahon na nakakadagdag sa hanay ng masasarap na lutuin sa panahon ng Autumn. Kasama ang maitake, eringi, shimeji, at ang hari ng Japanese mushrooms, matsutake. Ang Maitake ay isang klase ng mushroom na umuusbong na pang kumpol na bulaklak at parang karne at may nutty flavor. Ang Matsutake ay isa sa bihira at pinakamahal na mushroom sa buong mundo na matatagpuan lamang sa may ugat ng pine tree sa panahon ng autumn.


Ang Japanese cuisine sa autumn ay makikitaan mula sa roasted chestnuts at baked sweet potatoes na masarap kainin kasama ang inihaw na isda at pinasingawang mushroom rice. Maraming ino-offer na masasarap na lutuin ang Japan sa panahon ng Autumn na sadyang magbibigay kasiyahan sa mahilig kumain lalo na sa panahong ito.