Moroccan Beef Stew
Sangkap:
- 800 g gravy beef o stewing beef, hiwaing pakuwadrado
- 2 malaking sibuyas, hiwaing pakuwadrado
- 1 bawang, pitpitin at hiwaing maliit
- 2 pirasong katamtamang sukat na carrot,hiwaing pakuwadrado
- 1 latang chickpeas
- 2 latang pumpkin soup
- 1 tasang tubig
- Moroccan spice blend
Moroccan spice blend
- 1 kutsaritang asin
- 1 kutsaritang ground cumin
- 1 kutsaritang ground ginger
- 3/4 kutsaritang paminta
- 1/2 kutsaritang ground cinnamon
- 1/2 kutsaritang ground coriander
- 1/2 kutsaritang cayenne
- 1/2 kutsaritang ground allspice
- 1/4 kutsaritang ground cloves
Paraan:
- Ihanda ang heavy pan, Lagyan ng mantika, ilagay ang beef at lutuin ito hanggang magkulay brown.
- Hanguin ang beef at itabi, igisa ang bawang, sibuyas, carrots at Moroccan spice blend.
- Idagdag ang tubig,pumpkin soup at beef, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
- Pagkatapos ay ilipat ang lahat sa isang oven proof casserole at ilagay sa 160°C na preheated na oven sa loob ng isa at kalahating oras o hanggang ang beef ay malambot.
- Tanggalin mula sa oven. Ihalo ang chickpeas. Lasahan ng asin at paminta. Ibalik sa loob ng oven at hayaang maluto sa karagdagang 30 minuto.
- Ihain na may kasamang mainit na kanin.
Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net