Chicken Lininggil
Sangkap:
Liniggil
-
1 kg free range chicken, i-cut sa sections
-
1 maliit na bungkos ng sitaw
-
1 malaking kamatis, tadtarin
-
1/4 tasang liver spread o dinurog na chicken liver
-
400 ml lata ng coconut milk
-
3 pirasong siling haba
-
asin
-
mantika
Spice Blend
-
4 pirasong bawanng
-
3 maliliit na shallots, hiniwa
-
1 thumb sized na luya, hiwain
-
2 kutsaritang turmeric powder
-
1/4 tasang palapa
Paraan
-
Gamit ang pangdikdik at dikdikan, o food processor, pagsamahin ang lahat ng sangkap ng spice blend at i-process ito hanggang maging parang paste. Itabi.
-
Initin ang mantika at kapag malapit nang umusok at ilagay ang chicken pieces at haluin hanggang mag-brown ang lahat ng sides. Kapag brown na ay hanguin mula sa kawali at itabi.
-
Hinaan ang apo at magdagdag ng mantika at ilagay ang palapa, igisa hanggang lumabas ang aroma.
-
Ilagay ang kamatis at ituloy ang paggisa hanggang lumambot ito.
-
Ibuhos ang coconut milk at ilagay ang chicken, liver, at sili. Painitin sa katamtamang init ng apoy hanggang kumulo.
-
Kapag kumukulo na, babaan ang init ng apoy, takpan at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto.
-
Alisin ang takip at ihalo ang sitaw, lakasan ang apoy at iluto habang hinahalo hanggang maubos ang sabaw o likido at malambot ang sitaw, mga 5 minuto.
-
Lasahan ng asin kung kinakailangan, patayin ang apoy at saka ihain.
Recipe and photo credits: www.angsarap.net