Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

¥1,000 Tabehoudai

Hindi na bago ang eat-all-you-can sa ating pandinig. Kahit saang parte ng mundo ka pumunta ay mayroong kang makikitang buffet o eat-all-you-can style na kainan sa murang halaga. Let’s face it, ang tao ay likas na mahilig sa pagkain at may kani-kaniyang paraan upang ma-satisfy ang kanilang palate. Mayroon namang restaurants na nag-o-offer ng buffet style o eat-all-you-can sa murang halaga at makakain ka na ng kahit gaano karami o kahit anong pagkain na nakahain sa buffet table.

Eat-all-you-can restaurant for 1,000 yen

1. Kyoto Ginyuba Asakusa Kuramae (Japanese Dishes)

Instagram by eriko__96

2 minute-walk lamang mula sa Kuramae Station. Sila ay authentic Kyoto style tofu restaurant. Hindi lamang tofu ang kanilang inihahain kundi iba’t ibang variety ng pagkain tulad ng tempura, udon at soba, at lahat yan ay makakain sa murang halagang 980 yen para sa kanilang lunch buffet. Walang limit.

Price: 980yen
Phone number: 03-5806-3332
English speaking staff available *Please note that multilingual staff may be absent at certain times.
Address: 111-0043 Tokyo-to Taito-ku Komagata 2-4-6
Hours of operations:
Monday – Sunday (Morning: 7:00 AM – 10:00 AM)
Monday – Sunday (Lunch: 11:30 – 3:00) (L.O. 2:30)
Monday – Sunday (Dinner: 5:00 – 11:30) (L.O.11:00 PM)
Website: https://ginyuba-asakusa.gorp.jp/

2. Spicy Spicy (Korean dishes)

Instagram by linus72yk

5-minute walk mula sa Shibuya Station. Sa Shibuya ay maraming competition lalo na sa kainan. At ang mga customer ay naghahanap kung saan sila makakamura at masasarapan. Isa sa lugar na dinarayo sa Shibuya ay ang Spicy Spicy na isang Korean restaurant. Ang kanilang lunch buffet ay nagkakahalaga ng 980 yen. 1 hour and 10 minutes ang kanilang limit time para sa eat-all-you-can sa lunch. Dinarayo ang kanilang pre-prepared bowls ng bibimbap at Korean hot pot na ready sa pagpapakulo sa burners na nasa mesa kasama ang itlog at noodles. 

Price: 980yen
Phone number: 03-3461-0998
English speaking staff available *Please note that multilingual staff may be absent at certain times.
Address: 150-0042 Tokyo-to Shibuya-ku Udagawacho 12-9
Hours: Monday – Sunday 11:00 AM – 12:00 Midnight (L.O. 11:00 PM)
Website: https://spicyspicy.gorp.jp/

3. Kyou, Buta no Kibun nan desu (Japanese Yakiniku)

Instagram by kentar0_hayashi

Isa sa paboritong eat-all-you-can yakiniku restaurant sa Shinjuku. Ang meat lovers ay gustong-gusto ang kanilang Japanese BBQ deal na 980 yen lamang. Ang kanilang limit time ay 45 minuto para sa lunch. Iba’t ibang klase ng meat ang pagpipilian
Option A –  Fatty Pork Neck in Sauce at Pork Kalbi (short ribs) sa Miso Sauce
Option B –  Fatty Pork Neck in Salt Sauce at Pork Kalbi sa Miso Sauce
Option C – Heart and Liver in Salt Sauce

Price: 980yen
Address: 160-0022 Tokyo-to Shinjuku-ku Shinjuku 2-3-11 Nakane Building 1F
TEL: 03-6273-0297
Website: https://rsv.ebica.jp/ebica2/webrsv/reserve_vacants/vacant/e014000601/20614/1025?fixshop=1&show=3

Narito pa ang ilang eat-all-you-can restaurants na pagpipilian:
Moyan Curry 246 Shibuya

Instagram by hash.tag_ruby.zzzzz

Curry restaurant na ilang hakbang lamang mula sa Shibuya Station. Nag-o-offer sila ng lunch buffet. Dalawang klase ng curry (beef at pork) na mae-enjoy na may kasamang side dishes tulad ng tandoori chicken at salad.

Price: 1,000 yen
Hours: Lunch 11:30~15:30 / Dinner 18:00~23:30 (Closed on Sundays)

Yasai no Osama Ginza

Instagram by miffytama

Ang unang vegetable buffet restaurant sa Japan na matatagpuan sa isa sa pinakamahal na area ng Tokyo. Ang vegetable buffet restaurant sa halagang 999 yen ay perfect choice para sa healthy eaters. Iba’t ibang klase ng salad at iba’t ibang kulay na nakaka-engganyong kainin.

Price: 999 yen (Weekdays), 1,280 yen (Weekends & Holidays) for 60 minutes
Hours: Lunch 11:00 AM~3:00 PM / Dinner 5:30 PM~11:00 PM

Kao Thai

Instagram by yukiepics

Authentic Thai restaurant na matatagpuan malapit sa Takadanobaba Station. Kauna-unahang Thai restaurant sa Japan na pinarangalan ng “Thai Select”, isang certification na nagsasabing ang restaurant ay nagsisilbi ng authentic Thai food. Mahigit sa 10 iba’t ibang klase ng Thai food ang makakain sa halagang 920 yen.

Price: 920 yen for 60 minutes
Hours: Lunch 11:30 AM~3:00 PM / Dinner 5:00 PM~11:00 PM

Enjoy! EAST

Healthy Japanese food na all-you-can-eat style. Brown rice, miso soup at iba’t ibang healthy at balanced dishes na kinagigiliwan ng health conscious eaters. Ito ay matatagpuan sa Sendagaya.

Hours: Lunch 11:00 AM~3:00 PM / Dinner 6:00 PM~10:00 PM
Price for all-you-can-eat: 1,000 yen