Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Willie Revillame, papasukin ang pulitika?

Willie Revillame

 Hindi lang ngayon kundi matagal nang maraming nagtatanong kay Willie Revillame kung papasukin niya ang pulitika. Hindi raw isinasara ni Willie ang kanyang pintuan sa posibilidad na pasukin ang mundo ng pulitika. Lalo pa nga’t may mga “nanliligaw” raw sa kanyang tumakbo sa 2016 elections.

“Pag-aaralan kong mabuti, pag-iisipan kong mabuti ‘yan. Siyempre matagal pa naman ‘yan, Oktubre pa ‘yan, e, titingnan ko.

“Pero pag ito, kapag nag-daily show, hindi ka na pupuwede,” pagtukoy ni Willie sa kanyang weekly program sa GMA 7 na “Wowowin.” Hindi raw porke’t may kumausap sa kanya na pasukin ang pulitika ay karakarakang papasok siya. “Mararamdaman mo yun, e. Walang convincing power yun, ikaw ‘yan,” sagot ni Willie. Habang pinag-iisipan pa niya ay abala pa rin siya sa kanyang “Wowowin” na napapanood na sa bagong oras nito sa GMA 7.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *