Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

JaDine, bumida sa kanilang kauna-unahang teleserye na ‘On the Wings of Love’

On the Wings of Love James and Nadine

Kakaibang kwento ng pamilya, pangarap at pag-ibig ang magbibigay kulay sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa pagsisimula ng most romantic teleserye ng taon na “On The Wings Love” na pagbibidahan ng isa sa pinakasikat na love team sa bansa na sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa kanilang kauna-unahang teleserye, bibigyang buhay ni Nadine ang karakter ni Leah, isang dalagang puno ng pangarap na nais makarating ng Amerika para makatulong sa kanyang pamilya. Gagampanan naman ni James ang papel ni Clark, isang binata na lumaki sa Amerika na nais bigyan ng magandang buhay ang mga kapatid na nasa Pilipinas matapos mamatay ang kanilang ina.

Sa ilalim ng direksyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin, ang “On the Wings of Love” ay binubuo ng ilan sa pinakahinahangaang aktor sa industriya kabilang sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia at Cherry Pie Picache. Kasama rin sina Isay Alvarez at Katya Santos para sa kanilang espesyal na pagganap.