Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

‘The Promise of Forever’

Si Ritz Azul ang pinakabagong talent ng ABS-CBN na lumipat mula sa TV 5. At hindi pa man nagtatagal ay may nakahanda na agad na proyekto para sa kanya. Ito ay ang “The Promise of Forever” kung saan makakasama niya sina Paolo Avelino at EJ Falcon. Una nang nakita si Ritz sa Dos nang siya ay magkaroon ng guesting appearance sa top rating primetime teleserye na “Ang Probinsiyano.”

“Siyempre feeling blessed ako kasi kakapasok ko lang as a Kapamilya nakasama na ako agad sa isang teleserye. So, nung sinabi naman sa akin ‘yong story talagang maganda at bago,” paglalahad ni Ritz.

“Isa itong oportunidad sa akin na mapakita ko naman sa ABS-CBN na talagang karapat-dapat naman akong maging Kapamilya,” dagdag pa niya.

Masaya naman siyang winelcome ng kanyang mga co-stars na sina Paolo at EJ at nasabi nilang sigurado silang magiging smooth ang takbo ng nasabing teleserye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *