Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Strawberry, Nectarine, Orange and Banana Sorbet

Sangkap:
  • 3 tasang fruit puree (strawberry, nectarine, saging, orange)
  • ¾ tasang asukal (i-adjust ayon sa gustong tamis)
  • ¾ tasang tubig
  • 3 kutsarang cognac (alcohol ang pipigil sa sobrang pagtigas ng sorbet )
Paraan:
  1. Pakuluin ang tubig at asukal sa isang saucepan. Haluin hanggang ang asukal ay matunaw. Kapag tunaw na ang asukal, hayaang lumamig at saka ilagay sa freezer.
  2. Pagsamahin ang pinakuluang asukal at fruit puree (para makagawa ng fruit puree, i-blender ang mga prutas).
  3. Ilagay ang fruit puree at pinalamig na syrup sa ice cream maker at hayaang maghalo ang mga sangkap hanggang ito ay lumapot, mamuo at mag-crystalize.
  4. Ihalo ang cognac at hayaang humalo sa ice cream at ibalik sa freezer.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *