Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinigang na Sinangag

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Sangkap:

Baboy

  • 800 g boneless liempo ( pork belly)
  • 1 packet large sinigang mix
  • 2 pirasong siling haba (pang sinigang)
  • 1 malaking sibuyas, hiwaing makaapat (quartered)
  • 1 malaking kamatis, hiwaing makaapat (quartered)
  • asin
  • paminta
  • oil, para sa deep frying

Rice

  • 3 tasang Jasmine rice
  • 3 pirasong katamtamang laki ng kamatis, hiwaing makaapat (quartered) pang dekorasyon
  • 2 kutsarang sinigang mix (gamitin ng naaayon sa inyong panlasa)
  • 6 pirasong bawang
  • mantika
  • Vegetables
  • 12-15 pirasong okra
  • 12-15 pirasong dahon ng kangkong
  • 1 tasang harina
  • 1 kutsarang cornstarch
  • 1½ tasang malamig na tubig
  • 1 kutsaritang baking powder
  • ½ kutsaritang asin
  • oil, para sa deep frying
Paraan:

Pork

  1. Isang araw bago ihain ang ulam na ito. Magpakulo ng tubig at kapag kumukulo na ito ay ilubog ang baboy at hayaang mapakuluan ito sa loob ng 5 minuto.
  2. Hanguin ang pinakuluang baboy at i-drain at hugasan ang baboy. Alisin ang maduming nakalutang mula sa pinagpakuluan at ibalik ang baboy, ihalo din ang sibuyas, siling haba at kamatis. Dagdagan ng tubig upang malubog ang baboy at ilagay ang sinigang mix at pakuluin sa loob ng 1 oras o hanggang ang baboy ay lumambot. Lasahan ng asin at paminta.
  3. Hanguin ang baboy mula sa kaserola at itabi ang sabaw. Hugasan ang baboy at hayaang lumamig. Mas mabuti kung ilalagay ito sa ref sa loob ng 6 na oras.
  4. Sa araw na lulutin ang ulam na ito, ihanda ang kawali na may may pinainit na mantika par i-deep fry ang babaoy para ito ay lumutong. Pagkaluto ay hanguin at itabi.

Rice

  1. Isang araw bago na ihahain ang ulam na ito, iluto ang bigas sa rice cooker.
  2. Kapag ang naluto na ang kanin, itabi hanggang medyo lumamig.
  3. Ilagay sa ref ng walang takip ang kanin sa buong magdamag.
  4. Sa araw na ito ay ihahain, ihanda ang kawali at lagyan ng mantika at igisa ang bawang. Ihalo ang nalutong kanin at haluin sa loob ng 5 minuto.
  5. Lagyan ng sinigang mix at igisa sa loob ng 3 minuto at alisin sa kawali at itabi.

Vegetables

  1. Sa isang malaking mangkok, maglagay ng ice cubes at maglagay ng maliit na mangkok sa ibabaw nito.
  2. Pagsamahin ang mga sangkap na pang batter maliban sa mantika at gulay. Haluin hanggang ang sangkap ay medyo malapot.
  3. Painitin ang mantika para sa deep frying.
  4. Ilubog ang isang piraso ng gulay sa batter at ilagay sa kawali. Tatlong piraso sa kawali ay mainam upang magkaroon ng volume at texture ang sangkap. Lutuin ng mabilis at hindi hihigit sa 1 minuto.
  5. Hanguin at llagay sa kitchen towel upang alisin ang sobrang mantika at lutuin ang natitirang gulay.

Ipagsama-sama:

  1. Ilagay ang fried rice sa isang mangkok, ilagay sa ibabaw ang malutong na baboy at gulay (tempura style) at dekorasyunan ng kamatis at ihain.

Note: Ang ulam na ito ay inihahanda isang araw bago iluto. Mainam na ilagay sa ref. ang nalutong kanin at pinakuluang baboy sa buong magdamag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *