Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pangasinan, di makapaniwala sa mababang populasyon

Ang Burgos, Pangasinan ay isa sa mga bayan na may pinakamababang populasyon sa buong bansa at hindi masaya si Pamela Valenzuela, population officer ng Burgos, sa balitang ito dahil sa mga datos na ito, mababa ang maibibigay na internal revenue allotment (IRA) ng Department of Budget and Management sa nasabing bayan. Ang IRA ay ang isang taong budget ng mga lokal na pamahalaan na nagmumula sa mga nakokolektang buwis taon-taon at ito na naaayon sa bilang ng populasyon. Sa pag-aaral ni Valenzuela, ang mababang populasyon ay dulot ng paglipat ng mga residente sa mga karatig-bayan at sa pag-uwi ng mga nagretirong mangagagawa mula abroad. Mungkahi ni Valenzuela na ulitin muli ng National Statistics Office ang census sa kanilang lugar. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *