Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Lovi Poe, excited sa ‘Beautiful Strangers’

Lovi Poe

Naging matagumpay ang pagtatanghal ng Kapuso actress na si Lovi Poe sa ibang bansa at syempre hindi rin napigilan ang excitement niya sa pagbabalik sa primetime soap na “Beautiful Strangers.”

Gagampanan niya ang character ni Joyce, isang babaeng maghihiganti sa pamilyang umapi sa kanya.

“I’m so happy to be part of an exciting series, which will feature some of the best actors on TV and film. Kaya naman ganado at masayang-masaya ako na muling mapanood sa primetime,” pag-amin ni Lovi.

Katatapos lang din gawin ni Lovi ang isang pelikula, “Lakambini,” kung saan ang kanyang ginampanang papel ay si Gregoria ‘Oryang’ De Jesus, ang founder ng women’s chapter ng Katipunan.

“It’s a dream role for me, and it’s such a huge challenge to be doing a film about a woman who made a history,” paglalahad pa ni Lovi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *