Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Barbie Forteza at 18

Barbie Forteza

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang debut si Barbie Forteza. “Like every girl, excited ako at the thought of turning 18. Pero pwede bang mag-wish? Pwede po bang wala ng party?” anang Kapuso teen actress.

Ipinaliwanag ni Barbie kung bakit mas gusto niya ang simpleng party kesa sa engrande. Aniya mas gugustuhin niyang gastusin ito ng may kabuluhan dahil magiging mas masaya siya.

Si Barbie ay laging tumutulong sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Diliman, Quezon City sa loob na ng apat na taon at balak niyang ituloy ang pagtulong sa mga bata sa pamamagitan ng pagshe-share ng kanyang blessings sa mga ito.

Ang programang “Adopt-A-Room” ng PCMC ay nagbibigay-laya sa mga gustong mag-adopt ng isang private room sa ospital at i-renovate ito bilang special private room. Kapag ito ay na-renovate na ang proceeds ng kwartong ito ay ilalagak para sa charity rooms.

Kahit busy siya sa kanyang successful Kapuso drama na “The Half Sisters” ay hindi niya nalilimutan ang pagkakawanggawa.