Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

James Reid: Soaring High

Mula sa pagiging Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010” ay malayo na ang narating ng isa sa hottest male celebrities ng showbiz na si Robert James Reid o James Reid. Ang kanyang humble beginnings ang nagtulak sa kanya para magpursige upang yakapin ang mundo ng showbiz.

Hindi bihasa si James sa pananagalog dahil laki siya sa Australia pero hindi ito naging balakid upang hindi niya ipagpatuloy ang kanyang hilig. Ramdam ng mga tagahanga ang kanyang sinseridad na matutunan ang ating lengguwahe.

Sa Australia ipinanganak si James. Bata pa lamang nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at isa sa dahilan ng pagbalik nila ng kanyang ama sa Pilipinas ay upang mapagtuunan ng pansin ang kalusugan ng ama at pati na rin ang pinansiyal na aspeto. Hirap man na mag-adjust ay pinilit ni James na matutunan ang lahat upang makapamuhay ng normal at maka-adapt sa kanyang paligid.

Unang nakita si James nang pumasok siya sa PBB house bilang isa sa teenternational housemates. Hindi niya inakala na siya ay mananalo dahil dalawang beses siyang lumabas ng bahay ni Kuya dahil sa pagkakasakit. Pagkatapos ng lahat ng pagsubok ay siya ang itinanghal na winner at dito nagsimula ang unti-unti niyang pag-akyat sa rurok ng tagumpay.

Pagkatapos ng kanyang stint sa PBB ay ipinareha siya sa kanyang co-PBB housemate na si Devon Seron at nag-guest sila sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng 2-year contract sa Star Magic at ipinareha sa iba’t ibang talents ng Star Magic.

Pumirma ng kontrata si James sa ilalim ng Viva Artists Agency. Ang unang proyekto ni James sa Viva ay ang pelikulang “Diary ng Panget” kasama sina Nadine Lustre, Yassi Pressman at Andre Paras. Ginawa man noong 2012 at ini-release noong 2014 ay naging box-office hit ito na kumita ng 119.5 million sa apat na linggong pagpapalabas sa mga sinehan.

Tinanggap ng mga tagahanga ang tambalang James at Nadine o JaDine. Binigyan muli ng Viva ng pelikula ang tambalan nila ni Nadine, ika nga nila, strike while the iron is hot. Ipinalabas ang pelikulang “Talk Back and You’re Dead” kasama ulit si Yassi at Joseph Marco. Tulad ng inaasahan ay naging matagumpay ang pelikula at umani ng 79.8 million pesos.

Bumalik si James sa bakuran ng ABS-CBN at dito ay pinapirma siya ng 2-year exclusive contract. AJAMES REIDng tambalang JaDine ay inilunsad sa telebisyon sa pamamagitan ng “Wansapanataym Presents: My App #Boyfie.”

Gumawa ulit sina James at Nadine ng pelikula, ang “Para sa Hopeless Romantic” kasama sina Julia Barretto, Iñigo Pascual, AJ Muhlach at Shy Carlos sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema. Maganda rin ang kinalabasan nito sa box office at maraming positive reviews ang natanggap ng naturang pelikula.

Sa pagitan ng paglabas sa telebisyon at pelikula ay hindi nawala ang passion ni James sa pag-awit. Noong 2013 ay inilunsad ang kanyang solo debut digital album na James Reid at sinundan ito ng isang album na umani ng certified platinum dahil sa success nito sa sales.

Taong 2015 ay naglabas muli ng album si James na ang ilan sa mga nakapaloob na awitin ay collaborated sa Canadian music producer na si Adam Hurstfield na nakapag-produced ng mga awitin ng ilang kilalang Hollywood artists.

Sa taong din ito inilabas ng ABS-CBN ang teleserye na kinahibangan ng maraming tagahanga hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Sinundan ang love story nina Clark Medina at Leah Olivar simula sa umpisa hanggang sa simbahan. Sa naturang teleseye nabuhay ang love story nina James at Nadine. Naging reel and real couple ang dalawa na inamin nila sa harap ng mga tagahanga sa kanilang pagmamahalan.

Nagtapos man sa telebisyon ang kanilang teleserye ay hindi natapos ang love story ng JaDine. Dahil na rin sa kahilingan ng mga tagahanga nila sa iba’t ibang panig ng mundo ay dinala nila ang “JaDine Love World Tour” sa Doha, Dubai, London at Milan.

Hindi inaksaya ng Star Cinema ang panahon na habang nasa abroad ay gumawa sila ng pelikula na ‘This Time,” at sa inaasahan ay naging hit sa takilya at tumabo ng 100 million pesos worldwide. Hindi na mapipigilan ang pagsikat ng tambalang JaDine at malaki ang pasasalamat ni James sa Kapamilya network sa pag-aalaga ng kanyang career at pasasalamat niya rin sa Viva Films sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya.

Sa ngayon ay kabi-kabila ang endorsements ni James at ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na “Till I Met You” ay patuloy na pinapanood at dino-domina ang ratings sa time slot nito gabi-gabi.

“I’m very, very happy and very grateful. I stayed away from the limelight to re-invent myself and when I came back, Viva gave me this project with Nadine and the rest is history,” paglalahad ni James. Hindi rin napigilan ang pasasalamat niya sa ABS-CBN na pagkatapos ng Viva ay sinuportahan ang love team nila ni Nadine all the way.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *