Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Guinataang Labong

Sangkap:
  • 2 tasang hiniwang labong (bamboo shoot)
  • 2 tasang gata ng niyog
  • 1/2 tasang coconut cream
  • 150g liempo, hiwain ng pakuwadradong maliit
  • 6 pirasong tuyong red chillies
  • 1 malaking sibuyas, hiwaing maliit
  • 4 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 kutsarang luya, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis (fish sauce)
  • pinong paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang kaserola, lagyan ng tubig at ilagay ang labong at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto. Hayaang lumambot ang labong at kapag malambot na at pigain ang labong upang matanggal ang tubig.
  2. Sa kawali, ilagay ang mantika at painitin ito, igisa ang bawang, luya, chilli at sibuyas.
  3. Idagdag ang baboy, at lutuin hanggang ito ay magkulay brown.
  4. Ilagay ang labong at gata at pakuluin. Hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto sa mababang init ng apoy. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  5. Ilagay ang coconut cream. Lasahan ng patis at paminta at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  6. Ihain kasama ang mainit na kanin.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *