Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Global Warming, lumalala

Hindi na maitatanggi na akung anuman ang nararanasan ng Pilipinas at ibang bansa , ang sobrang ulan, sobrang init, sobrang tagtuyot, ang pagkatunaw ng yelo sa Antartic.  Lahat ng yan ay nakababahala.  Sa Pilipinas, ramdam na ramdam ng ating mga kababayan ang pagbabago ng klima.  Sanay na tayo sa mainit na panahon subalit nitong mga nakaraang taon ay umaabot sa 40 degrees ang antas ng tenperatura na naggiging dahilan ng heat wave.

Ang ating pamahalaan ay nag-iisip ng ilang alternatibo upang maibsan ang sobrang init.  Ang Department of Agriculture  (DA) at ang National Irigation Administration (NIA),ay tutulong para sa pagtatanim ng 1.5 milyong puno sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas mula Luzon hanggang Mindanao. Magkakaroon ng nationwide tree planting sa buwan ng Hunyo at magkasanib pwersa ang dalwang nasabing ahensiya ukol dito.

Bukod dito ay hinikayat din nila ang mga tao na magtanim sa kani-kanilang mga bakuran o likod bahay ng mga puno para makatulong mapalamig ang ating mundo na unti-unti ng nasisira ang kalikasan dahil sa global warming.  Pahayag ni NIA administrator Antonio Nangel, “this is our small contribution to mother nature by preserving our forest for generations to come”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *