Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Get the Tax You Deserve

Sa Japan, ang bawat residente ay dapat magbayad ng karampatang buwis sa pagitan ng Pebrero 16 hanggang Marso 15 para sa Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon at special income tax para sa reconstruction. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, ang iyong employer ang magkakaltas ng iyong sweldo para ibayad sa buwis at sila na rin ang mag-aayos ng iyong year-end adjustment. Kung ikaw ay isang sole proprietor o self-employed o kumikita ka mula sa iba’t ibang sources, ikaw ang magpa-file ng iyong income tax return.

Ano ang tax refund?

Ang tax refund o tax rebate ay refund sa buwis kapag ang tax liability ng taxpayer ay mas mababa sa binayaran niyang buwis. Ang mga taxpayers ay madalas nagta-tax refund mula sa kanilang income tax kung ang tax na kanilang dapat bayaran ay mas mababa sa total na halaga ng withholding tax at estimated tax na kanilang nabayaran at kasama pa diyan ang refundable tax credits na kanilang kine-claim. Ang tax refund ay kadalasang naibabalik sa tax payer sa pagtatapos ng tax year.

Employment income earners – Dapat kang mag-file ng tax return kung mayroon kang balanse pagkatapos matanggal ang kredito sa buwis laban sa iyong nabuwisang kita na kinakalkula sa pamamagitan ng pagmu-multiply ng tax rate at ang natitirang balanse matapos ibawas ang tax deductions mula sa lahat ng kita na kailangang buwisan. Narito ang iba’t ibang kategorya kung kailan ka dapat bubuwisan:

  • Ang kabuuang halaga ng kita ay lumampas sa 20 milyong yen.
  • Nakatanggap ka ng sweldo mula sa isang employer at ang kabuuan ng lahat ng iba pang kita na nakabatay sa buwis sa kita (maliban sa sweldo at kita sa pagreretiro) ay lumampas sa 200 libong yen.
  • Nakatanggap ka ng sweldo mula sa dalawang employers o higit pa at ang kabuuang halaga ng kita sa trabaho na hindi nai-adjust sa katapusan ng taon at lahat ng iba pang kinikita ay kailangang bayaran (maliban sa sweldo at kita sa pagreretiro) ay lumampas sa 200 libong yen.
  • Nagtatrabaho ka para sa mga diplomatikong establisimiyento ng mga banyagang bansa tulad sa mga embahada ng iba’t ibang bansa na matatagpuan sa bansang Hapon at ang Japanese income tax o special income tax na hindi kinaltas sa iyong sweldo.

Sole proprietors at real estate income (o iba pang income) earners – dapat kang mag-file ng tax return kung ang halaga ng binawasang dividend ay mas mababa kaysa sa iyong income tax payable na kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng rate ng buwis at ang kabuuang kita bago ang buwis mula sa mga negosyo o pamamahala sa real estate, atbp. at ang balanse na natitira matapos i-subtract ang tax deductions mula sa ibang kita na kailangang buwisan.

Employment retirement income earners – dapat kang mag-file ng tax return kung natanggap mo ang bayad sa pagreretiro mula sa ibang bansa na walang withholding tax o ang binawas na buwis mula sa naturang kita sa pagreretiro ay mas mababa kaysa sa aktwal na buwis na dapat bayaran. Sa kabilang banda, kung ang buwis na nabawas mula sa iyong renumeration sa pagreretiro ay higit pa sa aktwal na buwis na babayaran, ikaw ay may refund para sa labis na pagbabayad ng buwis sa kita sa pamamagitan ng pag-file ng tax return.

Para sa ibang kita – dapat kang mag-file ng tax return kung makakatanggap ka ng apat na milyong yen o higit pang benepisyo sa pensyon bawat taon, o may 200 libong yen o mas maraming kita bawat taon maliban sa mga benepisyo ng pensyon.

Calculate your income tax and special income tax for reconstruction

Ang individual income tax at special income tax for reconstruction ay kinakalkula sa ganitong paraan:

  1. Kalkulahin ang lahat ng iyong kinita na kailangang buwisan.
  2. Ibawas ang lahat ng deductions mula sa number 1.
  3. I-multiply ang tax rate ng iyong income group at nang kita sa number 2.
  4. I-offset ang lahat ng mga kredito sa buwis laban sa figure 3.
  5.  Ang 2.1% mula sa number 4 ay ang iyong income tax for reconstruction.
  6. Mabuting magtanong o sumangguni sa website ng National Tax Agency website (Japanese) para sa individual income tax rate.
Tax credit para sa mga foreign nationals

Alamin ang impormasyon ukol sa tax credit sa National Tax agency website. Para sa foreign nationals, mahalagang malaman nila ang ilang impormasyon ukol sa tax credit na nauukol para sa kanila. Napagpasyahan ng Japan ang tax convention para sa mga foreign nationals upang maiwasan ang dobleng pagbubuwis. Kung binayaran mo ang buwis sa kita para sa iyong mga ari-arian sa ibang bansa, maaari mong i-offset ang iyong obligasyon sa pagbubuwis sa Japan. Ang mga uri ng buwis na maaaring i-offset ang naturang buwis mula sa kita sa ibang bansa ay sumusunod: income tax, special income tax for reconstruction, prefectural inhabitant’s tax at municipal inhabitant’s tax. Kung ang buwis sa ibang bansa na iyong binabayaran ay lumampas sa halaga ng cap amount na io-offset, ang sobrang halaga ay maaaring i-roll over sa susunod na tatlong taon. Ang listahan ng mga bansa na may concluded tax convention sa Japan ay makikita sa website ng Ministry of Finance.

Tax forms

Mayroong ilang forms para sa iba’t ibang tax kung magpa-file ng tax return. Form B ang madalas na ginagamit ng mga tax payers tulad ng employment income earners at sole proprietors. Ang mga tax return forms ay maaaring i-download sa website ng National Tax Agent o nakukuha mula sa inyong local tax office o maaaring hilingin sa nasabing ahensya na ipadala sa iyong address kung magpapadala kayo ng return envelope na may stamp.

Form A – mas pinadaling edition ng Form B na pwedeng gamitin ng mga tax payers na nagre-report lamang ng kanilang employment income, pensyon o iba pang benepisyo mula sa gobyerno, dividend income at occasional income na walang estimated tax payment.

Form B – para sa mga tax payers kasama na ang may negosyo, real estate income earners at employment income earners.
Bukod sa Form A at B, mayroon ding “separate taxation form” upang iulat ang capital gains na nakuha sa pagbebenta ng lupa, building, stock o shares, at “case of loss form” na iniuulat din kung hindi kumita ang negosyo noong nakaraang taon.

Para sa mga negosyante, kailangan mag-file ng “white return” o “blue return” na kasama sa Form B upang iulat ang kita o lugi ng negosyo para makumpirma ang tax obligations.

How to file return

Kung magpa-file ng tax return sa isang tax office, kailangan ipakita ang proof of income tulad ng certificate of income at withholding tax o proof of deductions tulad ng resibo ng binayaran para sa medical o insurance premium payments na dapat ay naka-attached sa tax return form. May mga paraan nang pagpa-file ng tax return:

Submitting in person – ito ay mas maaasahang paraan. Laging tandaan na sa ganitong panahon (simula hanggang katapusan ng tax season) ay busy ang mga opisina ng tax offices.

By post – ang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo ay tinatanggap, ipadala ito sa pamamagitan ng registered mail para may proof of delivery. Ang tax return ay hindi maaaring ipadala sa pamamagitan ng courier service. Maaaring ipadala sa normal post ngunit mas maigi na ipadala sa registered mail upang makakuha ng proof of delivery.

Online (e-Tax) – ito ang pinakamadaling paraan subalit kailangang magpa-rehistro upang maumpisahan ang tax return. Madali lang itong gamitin dahil may instructions upang ma-fill-up-an.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *