Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Filing of Income Tax

Tax season na naman. Siguradong marami ang aligaga para ihanda ang mga kinakailangan para makapagbayad ng buwis at syempre nandiyan din ang tax refund na tinatawag. Ano nga ba ang tax o buwis? Ang income tax ay buwis na binabayaran ng isang indibidwal na nakatira sa Japan na nagmumula sa isang buong taong kinita. For tax purposes, ika nga, ang isang indibidwal na naninirahan sa Japan ay may kanya-kanyang kategorya. May kahawig man, hindi ito katulad ng visa:

  • Non-Resident – mga indibidwal na naninirahan sa Japan ng mababa sa isang taon at walang permanenteng address sa Japan. Mga non-resident na ang kinikita ay mula sa Japan at hindi mula sa abroad.
  • Non-Permanent Resident – mga indibidwal na naninirahan sa Japan ng mahigit sa isang taon subalit mababa sa limang taon na walang intensyong manirahan ng permanente sa Japan. Ang mga non-residents na kailangang magbayad ng buwis sa lahat ng kinita maliban sa kinita mula sa abroad na hindi ipinapadala sa Japan.
  • Permanent Resident – mga indibidwal na naninirahan sa Japan sa loob ng limang taon o may intensyong manatili sa Japan ng permanente. Mga permanent resident na kailangang magbayad ng buwis mula sa kanilang kinikita sa Japan at sa abroad.

Dapat din tandaan na ang mga kasunduan sa buwis sa pagitan ng Japan at higit sa 50 mga bansa kabilang ang USA, UK, Canada, Australia, China, South Korea at karamihan sa mga bansa sa Europa ay maaaring manguna sa mga guidelines na nabanggit sa itaas.
Paano magbayad ng buwis?

Ang income tax sa Japan ay base sa self-assessment system. Ibig sabihin, ang indibidwal mismo ang siyang magpa-file ng kayang tax return na may kumbinasyon ng withholding tax system (mga buwis na kinakaltas mula sa kanilang sweldo na ipinapasa naman ng kanilang boss o employer).

Maigi ang sistema sa pagbayad ng withholding tax dahil madalas na ang bawat empleyado ay hindi na kailangan pang mag-file ng kanilang tax return. Sa katunayan, ang mga empleyado ay kailangan lamang mag-file ng tax return kung kasama sila sa kahit isa sa mga kondisyong nakatala:

  1. Kung lilisan sila ng Japan bago matapos ang tax year.
  2. Kung ang kanilang employer ay hindi kinakaltasan ang kanilang sweldo (halimbawa mga employer sa abroad).
  3. Kung mayroon silang higit sa isang employer.
  4. Kung ang kabuuan ng kanilang kinita sa loob ng isang taon ay mahigit sa 20,000,000 yen.
  5. Kung may iba pa silang kinita na mahigit sa 200,000 yen.

Para sa mga empleyado na hindi na kailangang mag-file ng tax return, ang kanilang mga employer na ang magkakaltas ng buwis mula sa kanilang sweldo kasama na ang adjustment sa buong taong sweldo.

Sa mga indibidwal na kailangang magbayad ng buwis tulad ng self-employed ay kailangang pumunta sa kanilang local tax office (zeimusho) o sa pamamagitan ng sulat o online (e-Tax). Ang tax return para sa 2017 ay kailangan i-file sa pagitan ng Pebrero 16 at Marso 15 2018.

Kailan dapat magbayad ng buwis?

Kapag ang buwis sa sweldo ay hindi kinaltas ng employer, ang national income taxes ay dapat bayaran ng buo sa Marso 15 ng susunod na taon (kalagitnaan ng Abril kung magbabayad ka sa pamamagitan ng awtomatikong bank transfer) na may dalawang pre-payment na binabayaran sa Hulyo at Nobyembre ng tumatakbong taon nang pagbubuwis. Ang mga pre-payment ay kinakalkula batay sa kita ng nakaraang taon, kaya hindi mo binabayaran ang mga ito sa iyong unang taon sa Japan.

Halimbawa, kung kailangan mong magbayad ng national income taxes para sa 2017, dapat itong mabayaran nang buo sa Marso 15, 2018 (o Abril 20, 2018 kung sakaling ang mode of payment na ginamit ay sa pamamagitan ng automatic bank transfer) na may pre-payments na binayaran noong Hulyo at Nobyembre 2017.

Kung ang prefectural at municipal income taxes ay hindi kinaltas ng employer, kailangan silang mabayaran ng quarterly installment sa susunod na taon. Halimbawa, ang mga buwis sa 2017 ay binabayaran sa apat na bahagi sa Hunyo, Agosto at Oktubre 2018 at Enero 2019.
Tandaan na ang filing ay mula Pebrero 16 at ang deadline sa pagpa-file ng income tax ay sa Marso 15.