Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Flowers Everywhere

Ang cherry blossoms o sakura na marahil ang pinakapopular na bulaklak sa Japan na namumukadkad mula huling bahagi ng Marso hanggang kalagitnaan ng Abril. Ngunit ngayong tapos na ang blooming period nito ay atin naman bigyang pansin ang iba pang naggagandahang bulaklak sa kapaligiran na tiyak na magpapamangha sa lahat.

Ang flower viewing ay isa sa popular na aktibidad na ginagawa ng mga Hapon. Sinasadya nila ang iba’t ibang parke at hardin na nagsasagawa ng mga flower festivals upang ipagdiwang ang kagandahan ng iba’t ibang bulaklak. Narito ang ilan sa mga popular na bulaklak sa bansa:

Japanese Iris. Mayroong tatlong uri nito ang kadalasang makikita sa Japan: ang hanashōbu (Iris ensata), kakitsubata (Iris laevigata) at ayame (Iris sanguinea) ngunit ang hanashōbu ang pinakapopular at itinuturing na Japanese iris sa labas ng bansa. Makakakita ng aabot sa 200,000 irises na nasa 80 iba’t ibang uri sa katimugang bahagi ng Mizumoto-koen Park na siyang pinakamalaki sa buong Tokyo. Ginaganap ang Iris Festival dito tuwing Hunyo.

What: Suigo Itako Ayame Festival (about 1 million ayame plants of 500 varieties can be seen)

When: May 28-June 26; best time to go is on June 10

Where: Suigo Itako Ayame Garden (1-5, Ayame, Itako, Ibaraki)

Rose. Ito ang pinakapopular na bulaklak na ginagam
it sa mga flower arrangements. Ang
Kyu Furukawa Gardens sa Tokyo na itinalagang national place of scenic beauty ay pamoso dahil sa ganda at bango ng mga roses o bara na may iba’t ibang kulay at namumukadkad sa kalagitnaan ng Mayo hanggang Hunyo. Aabot sa 180 rose plants na may 90 klase ang masisilayan dito kabilang ang “Royal Princess” na alay kay Princess Aiko.

What: The 18th International Roses & Gardening Show 2016

When: May 13-18

Where: Seibu Prince Dome (2135 Kamiyamaguchi, Tokorozawa City, Saitama 359-1196)

Hydrangea.Sa Meigetsu-in Temple sa Kanagawa na itinuturing na “temple of hydrangeas” ay makakakita ng aabot sa 2,000 klase ng hydrangeas o ajisai kabilang ang himeajisai, na tinaguriang “princess of hydrangea” nito na popular na puntahan tuwing buwan ng Hunyo.

Poppy. Ipinakilala ang yellow California poppies
sa Japan kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa
Konosu City ay matatagpuan ang 12.5 ektaryang poppy fields na nakakalat sa tuyong riverbed ng Arakawa River na namumukadlad tuwing panahon ng spring.

What: Poppy Festival at Kokai River

When: Mid-May to early June

Where: Kokai River Fureai Park (Ibaraki Prefecture shimotsuma Horigome 1650-1)

Tulip. Makakakita ng 450 klase ng tulips na may iba’t ibang kulay at hugis sa Tonami Tulip Park sa Toyama ngayong buwan ng Mayo. Ganun din naman sa Huis Ten Bosch, isang theme park sa Nagasaki na may Dutch atmosphere ngunit ito ay hanggang buwan lamang ng Abril.

Kabilang rin sa mga popular na spring flowers ay ang wisteria at azaleas.

Samantala, gaganapin din ang Horikawa Flower Festival 2016 sa Horikawa Nayabashi sa Nagoya sa darating na Mayo 13-28 kung saan iba’t ibang uri ng spring flowers ang makikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *