Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Doble Kara: Ang Mainit na Pagtanggap

Julia Montes

Nahubog siya ng kanyang mother studio upang maging isang mahusay na aktres. Nagsimula sa “Going Bulilit” hanggang sa mabigyan ng break sa “Mara Clara.” Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isang half-German/Filipino. Dahil sa sipag at tiyaga ay unti-unting nagningning ang kanyang estrelya sa mundo ng showbiz at masasabi nating maayos na pwesto sa mundong kanyang ginagalawan. Noong unang ipinalabas ang Mara Clara ay inakala ng marami na mata-type cast siya bilang isang kontrabida subalit dahil sa taglay niyang maamong mukha at husay sa pagganap sa mga roles na ibinibigay sa kanya at naipakita niyang kaya niyang gampanan ang role na bida at kontrabida. Hindi naiwasan ni Julia na kabahan nang ibigay sa kanya ang role ng lead star sa “Doble Kara.” Mapaghamon dahil dalawang karakter ang kanyang ginagampanan. Maganda at mainit ang pagtanggap ng mga tagahanga at makalipas ang isang taon ay dominado ng “Doble Kara” ang ratings sa panghapon teleserye kung kaya’t siya ang tinaguriang “Royal Princess of Drama.”

Dahil sa husay sa pagganap na dual role sa “Doble Kara” ay nakuha niya ang Best Actress Award sa loob ng makgsunod na taon mula sa Gawad Tanglaw Awards, at nakakuha rin siya ng nominasyon para sa Best Actress category mula sa PMPC Star Award.

SAM & JULIA

Sam Milby

Sam Milby

Na-excite ang hunk actor na si Sam Milby nang malaman niyang kasali siya sa season 2 ng “Doble Kara.” Ito ang unang beses na nagkasama ang dalawa sa isang teleserye. Medyo malayo man ang agwat ng kanilang edad ay nasambit ni Sam na matured kung umarte si Julia kumpara sa kanyang edad kaya maganda ang kanilang naging chemistry. Ang role ni Sam bilang Sebastian “Seb” Acosta na naging malapit kay Kara ay magbibigay twist sa itinatakbo ng istorya. Habang nagtatagal ay lalong nagiging kapana-panabik ang mga ekesena sa Doble Kara.

Kakatapos lang ipalabas sa sinehan ang “The Third Party,” kung saan nakasama ni Sam sina Angel Locsin at Zanjoe Marudo.

Polo Ravales

Polo Ravales

Tulad ni Julia Montes, si Polo ay isa ring half-German at Pinoy na sumubok sa mundo ng showbiz. Sa bakuran ng GMA 7 siya unang nakilala at nasilayan sa pamamagitan ng youth -oriented show na “T.G.I.S.” Dito ay naging katambal niya si Sunshine Dizon.

Versatile actor si Polo at dahil sa matagal na rin naman siya sa mundo ng showbiz ay nahubog na siya sa pagganap ng iba’t ibang roles. Bukod sa “Ipaglaban Mo” ay lumabas din siya sa “Ang Probinsiyano” at dito na nagsimula ang panibagong journey sa career ni Polo. Sa ika-apat na yugto ng “Doble Kara” ay isinama si Polo sa casting at dito ay ginagampanan niya ang role na Julio na magiging kasabwat ni Alex na ginagampanan ni Maxene Magalona. Ika nga ng marami, you can never put a good actor down at si Polo ay isa sa mga actor natin na masasabing subok na ng panahon.

Maxene Magalona

Maxene Magalona

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa maganda at fashionistang anak ni Francis Magalona? Nasa dugo ni Maxene ang dugong artista dahil ang kanyang lolo at lola ay sina Pancho Magalona at Tita Duran. Galing din sa GMA 7 si Maxene. Nang lumipat siya sa ABS-CBN ay dumagsa agad ang mga projects. Nang mapasama siya sa cast ng “Doble Kara” ay alam ng mga televiewers na mabibigyan niya ng justice ang pagganap sa role ni Alexandra. Si Alexandra na makikipagsanib pwersa kay Lucille laban kina Sara at Kara. Magiging mas kapana-panabik ang mga susunod pang eksena nina Alex at Lucille dahil marami silang bagay na pinaplano laban sa magkapatid na Sara at Kara.

Doble Kara

Naging maningning ang hapon ng mga masugid na tagapanood ng panghapong teleserye ng ABS-CBN nang nagsimula ang pagbubukas ng “Doble Kara” tampok si Julia Montes sa maituturing na mapaghamong papel na gumaganap sa dalawang katauhan.

Ikinokonsidera ni Julia ang role na ginagampanan niya ngayon ang pinaka-challenging dahil ibinubuhos niya ang kanyang puso at isipan upang magampanan ang role nang maayos.

Nagsimula ang kwento ng “Doble Kara” sa buhay nina Sarah at Kara, ang kambal na nabuhay sa isang masayang pamilya sa kabila ng kanilang kahirapan. Ngunit dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Kara ay napilitan ang kanilang ina na paghiwalayin ang kambal at ibigay si Kara sa kanilang tunay na ama dahil wala silang sapat na pera para maipagamot ito. Masayang-masaya ang bumubuo ng cast pati ang staff ng “Doble Kara” dahil nagtagal ito ng mahigit isang taon sa ere at hanggang ngayon ay humahataw pa rin sa ratings. Mula sa orihinal na powerhouse cast na binubuo nina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon at Alora Sasam. Ipinikakilala rin sa teleserye ang bagong leading men ni Julia na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Kasama rin si Alicia Alonzo para sa kaniyang espesyal na pagganap, sa pagpapatuloy ng istorya ay nadagdagan pa ng mga karakter na kinabibilangan nina Sam Milby, Maxene Magalona at Polo Ravales na nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ng kambal na sina Sara at Kara.

Malamig man ang panahon ng winter ay nagbabaga naman ng bawat eksena ng “Doble Kara” ang damdamin ng bawat manonood.

PD_JANUARY17_PAGE_06_COVERFOCUS

Cover Photo by: Paul Kenjiro

Behind the Scenes photos by: Lawrence A. Agrava

Special thanks to: Mr. Donie Ray Ordiales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *