Home > Gourmet Galore > Calamari Marinara

Calamari Marinara

Ang Marinara sauce ay isa sa pinaka-popular na sauce na ginagamit ng mga Italyano parasa kanilang spaghetti. Ito kumbaga ang base ng kanilang mga lutuin hindi lamang para sa spaghetti kundi para sa iba pang lutuin na ginagamitan ng tomato based sauce. Gawa sa tomato, garlic, onion at mga herbs na pwede mong gamitin sa lutuin kasama ang karne o gulay. Makikita madalas a pasta pero pwede ring gamitin sa stew, pizza at pwedeng sawsawan o dip.

Wika nga nila noong 16th century, dahil sa mataas na acid content ng tomato, ang pagkasira o pagpanis ay hindi naging isyu. Sa panahon ngayon, madalas ay gumagawa ang ilang ina ng tahanan ng marami at ilalagay sa freezer ang sobra para magamit sa ibang pagkakataon dahil nga sa hindi ito madaling masira. Halika na at tikman ang ating recipe:

Sangkap:
  • 500 g spaghetti
  • 500 g squid tubes, hiwain ng pabilog (rings)
  • 2 x 400 g lata ng chopped tomatoes
  • 1 tasang clam stock
  • 3 kutsarang tomato paste
  • 1 maliit na red capsicum (bell pepper), tadtarin
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 1 kutsaritang dried basil
  • 2 pirasong bay leaves (laurel)
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 sibuyas, tadtarin
  • 1/2 kutsaritang cayenne
  • paminta
  • asin
  • olive oil
  • tinadtad na parsley, pang-dekorasyon
Paraan:
  1. Sa isang malaking kawali o pan, lagyan ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas. Kapag ang sibuyas ay luto na, ilagay ang red bell pepper at lutuin sa loob ng 3 minuto.
  2. Idagdag ang chopped tomatoes, clam stock, tomato paste, dried oregano, dried basil, bay leaves at cayenne. Pakuluin at hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 20 minuto.
  3. Iluto ang spaghetti ayon sa instructions nito sa pakete. Pagkaluto, hanguin mula sa pinagpakuluan at i-drain at itabi.
  4. Lasahan ng asin at paminta at ilagay ang squid. Lutuin sa loob ng 3-5 minuto o hanggang ang squid ay maluto. Patayin ang apoy.
  5. Ilagay ang spaghetti sa malaking serving plate, lagyan ng sauce sa ibabaw at budburan ng parsley sa ibabaw.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

%d bloggers like this: