Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Angel Locsin: Legally “IN DEMAND”

ANGEL LOCSIN

Photos by Jojit Lorenzo (courtesy of abs-cbn)

Nagsimulang maging bukambibig ang pangalang Angel Locsin simula nung gawin niya ang role taong 2004 bilang si Alwina sa isang fantasy-themed teleseryeng “Mulawin” na umani ng tagumpay at tinanggap ang tambalang Angel Locsin at Richard Gutierrez sa unang pagkakataon.  At nasundan pa ito nang siya ang piniling gumanap bilang isang super heroine na si Darna para sa TV adaptation ng Mars Ravelo comics.  Unang naging contract artist si Angel Locsin sa studio ng GMA Network hanggang taong 2007.  Mula noon ay lumipat na siya sa karibal na network nito ang  ABS CBN.
Inakala ng iba na sa kanyang paglipat at paglisan sa tambalan nila ni Richard Gutierrez at hudyat na rin ng paglamlam ng kanyang career subalit nagkamali ang mga kritiko dahil sa paglipat ni Angel ay may nakalinya na agad itong mga proyekto sa ABS CBN.  Ang isang malaking proyektong kanyang ginawa ay ang “Lobo.”  Sa TV series na ito siya binigyan ng nominasyon para sa natatanging pagganap bilang si Lyka, ang babaeng lobo ng International Emmy Awards.
Dito na nagsunud-sunod ang swerte ni Angel sa industriya dahil sa bukod sa TV series ay nagkaroon din siya ng mga blockbuster films tulad ng  In The Name Of Love at One More Try kung saan siya ay kinilala bilang mahusay na aktres ng  Star Award for Movies para sa  Movie Actress of the Year at ang Box-Office Entertainment Award para sa  Film Actress of the Year, napanalunan niya ang mga ito sa magkasunod na taon.
Taong 2013,  si Angel ay nanalo ng FAMAS Award at Film Academy of the Philippines Award bilang pinakamahusya na aktres para sa kanyang pagganap sa pelikulang  One More Try.

Humble Beginnings

Balikan natin ang nakaraan.  Sino nga ba si Angel Locsin?  Siya ay tubong Sta. Maria. Bulacan.  Sa murang edad ay naranasan niya ang mabuhay na magkahiwalay ang magulang.  Siya ay lumaki sa piling ng kanyang ama na may kapansanan sa paningin subalit hindi ito naging hadlang para hindi matupad ang mga pangarap ni Angel. Natutong magsumikap si Angel para makatulong sa kanyang ama at siya ay makapasok sa paaralan sa tulong na rin ng mga kamag-anak.
Nakapagtapos siya ng high school.  Nakatapos man siya ng high school ay hindi dito tumigil ang kanyang pangarap na makatuntong ng kolehiyo.  Nagsumikap siya at nag-ipon upang matupad ang kanyang pangarap. At taong 2007 ay nag-attend siya ng  short-course for fashion design sa bansang London.

Career

Nag-audition si Angel sa iba’t ibang commercial at dapat ay napasama siya sa Star Circle Batch 9 ng ABS CBN subalit hindi ito natupad ay may hindi sinang-ayunan ang kanyang ama sa kontrata.  Di naglaon, siya ay napunta sa GMA Network at naging contract artist siya ng GMA Artist Center.  Una siya lumabas sa isang second season ng teen-oriented series, ang Click at napasama din siya sa cast ng  Ang Iibigin Ay Ikaw.

 

ANGEL LOCSIN

 GMA Network

Taong 2004,  napili si Angel na gumanap bilang si Alwina sa isang fantasy-themed TV series Mulawin, katambal ang heartthrob na si Richard Gutierrez.  Malaking tagumpay ang experimental fantaserye na ito dahil sa bukod sa tinanggap angtambalang Richard – Angel ay tinanggap din ang kanilang TV series mula umpisa hanggang sa finale dahil sa taas ng rating nito.

Kasunod ng tagumpay ng Mulawin ay ang Darna kung saan title role si Angel na umani rin ng tagumpay sa ratings.  Hindi lamang sa TV series kundi maging sa pelikula ay naging matagumpay din si Angel.  Kung umpisa ay mayroon din katapusan.  Hindi inakala ng marami na magi-isip si Angel na lumpiat ng network dahil sa GMA 7 ay siya ang nagi-isang prinsesa ng primetime, subalit ika nga ng iba, kailangan din na matikman ang ibang putahe sa ibang bakuran.

ABS-CBN

Taong 2007 ay pumirma ng pangunang  two-year exclusive contract si Angel Locsin sa bakuran ng ABS-CBN.  Ang una niyang acting appearance ay sa programang  Maalaala Mo Kaya sa episode na “Pilat”. Ang kanyang pagganap ay umani siya ng award mula sa  Star Award for TV para sa natatanging pagganap bilang aktres (Best Single Performance by an Actress).
Enero ng taong 2008, inumpisahan ipalabas ang kanyang unang drama series katambal si Piolo Pascual ang “LOBO.”
Pagkatpos ng Lobo ay nakasama din si Angel sa Philippine remake Korean drama na “Only You” kasama sina Sam Milby at Diether Ocampo.
Dahil na rin sa kahilingan ng mga tao, ibinalik nila ang sequel ng Lobo sa pamamagitan ng ” IMORTAL”, kung saan ay nakatambal naman niya dito si John Lloyd Cruz.
Taong 2011 hanggang kasalukuyan, kasama si Angel sa TV sitcom na Toda Max.

Films

Hindi lang pang telebisyon si Angel,  siya ay pampelikula din.  Una niyang pagsabak sa puting tabig ay ang pagganap bilang batang Robina Gokongwei sa pelikulang Ping Lacson, Supercop.  Pagkatapos nito ay gumanap siya ng cameo appearance sa Mano Po 2 taong 2003 at  kasama sa  teen-oriented movie na  Kuya taong 2004. At napasama siya sa  drama film Mano Po III: My Love at ang horror movie na  Sigaw na parehong entry sa  2004 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa Mulawin TV series na pinagtambalan nina Angel Locsin at Richard  Gutierrez ay may mga pelikula din silang ginawa ang romantic film na Let the Love Begin, sa ilalim ng  GMA Films at ang Mulawin the Movie kung saan ay naging entry ito sa 2005 Metro Manila Film Festival.  Patuloy na gumawa ng pelikula si Angel sa pagitan ng paglabas sa TV series at kasmaa rin ang isang romantic movie na  I Will Always Love You at ang horror film na TxT kasama si Oyo Boy Sotto.  Ang pelikulang romantic drama-comedy na Mano Po 5 ay entry niya sa  2006 Metro Manila Film Festival.

Nagkaroon ng reunion movie sina Angel at Richard Gutiererz sa pelikulang The Promise taong 2007 kung saan ang kanilang mga papel na ginampanan ay mas matured na kumapara sa mga nauna nilang ginawang pelikula na tinanggap ng manonood.

Taong 2011 ay gumawa siya ng pelikula kasama ang batikang aktor na si Aga Muhlach na umani ng tagumpay at pagkilala  mula sa iba’t ibang arwaad-giving bodies, ang pelikula “In The Name of Love.”  Ang kanyang pagganap sa pelikulang ito ang nagbigay sa kanyang ng Star Award for Movies for Movie Actress of the Year, the Gawad PASADO Award for Pinakapasadong Aktres, at nominasyon para sa pinakamahusay na aktres para sa  FAMAS Awards.

Sinasabinga nila na hindi matatapos ang isang tambalan sa unang pelikula lamang, taong 2012 ay nagkaroon sila ni John Lloyd Cruz ng reunion movie, ang “Unofficially Yours.”  Gumawa din si Angel ng pelikula kasama sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban, ang One More Try,  sa ilalim ng Star Cinema kung saan ito ang kanilang  entry para sa 2012 Metro Manila Film Festival. Ang pagganap ni Angel sa pelikulang ito ay umani ng iba’t ibang papuri mula sa iba’t ibang film critics at media personalities at umani rin kay Angel ng parangal bilang pinakamahusay na aktres mula sa iba’t ibang award giving bodies ang  Star Award for Movies for Movie Actress of the Year sa ikalawang pagkakataon sa magkasunod na taon at ang FAMAS Award for Best Actress at Film Academy of the Philippines Award for Best Actress.

Personal life

Hindi lamamng busy si Angel sa kanyang showbiz skeds kundi busy rin siya sa pagtulong sa iba’t ibang NGOs at isa na rito ang GABRIELA Foundation na tumutulong sa mga kababaihan at batang naaapi  ng lipunan.  Hindi lamang sa Gabriela kundi kahit saang foundation na kailangan ang suporta at tulong ni Angel ay hindi nakakalimot si Angel na tumulong.
Ang kanyang lovelife ay nagsimula kay Miko Sotto na ang akala ng iba ay isasara na ni Angel ang puso dahil sa tinding pagdaramdam na dinanas niya rito dahil sa pagkamatay nito sa murang edad.  Nagpatuloy na maghanap ng pagmamahal si Angel hanggang natagpuan niya si Phil Younghusband na player ng soccer mula sa grupong Azkals at hind naglaon ay naghiwalay din sila. Ang pagbabalikan nila kamakailan ni Luis Manzano ay nagbigay ng “HINT” sa marami na baka ito na ang huling pag-ibig ni Angel at mauuwi sa pagi-isang dibdib.
Although, walang umaamin sa magkabilang kampo na sila ay may plano na ngang magpakasal ay maraming umaasa na this time ay humantong na sa simbahan.  Wika nga ng marami ” Sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.”