Bohol Adobo
Sangkap:
- 1 kg liempo (pork belly), hiwaing pakwadrado
- 3 katamtamang laki ng patatas, hiwaing makaapat (quartered)
- 1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
- ½ tasang cane vinegar
- 1/3 tasang soy sauce (Philippine soy sauce hindi Chinese soy sauce, magkaiba ang lasa nito. Kung hindi makahanap ng Philippine soy sauce ay pwede na rin ang Kikkoman)
- 4 kutsarang black beans, alisin ang likido na galing sa lata at pagkatapos ay durugin
- 2 kutsarang annatto powder, kanawin sa 4 na kutsarang pinakulong tubig
- 1 kutsarang asukal
- mantika
- cornstarch
- bay leaves (laurel)
- pamintang buo
- tubig
Paraan:
- Sa kawali, initin ang mantika, lutuin ang patatas (i-deep fry hanggang mag-golden brown ang kulay). Alisin sa kawali at itabi.
- Sa ibang kawali, igisa ang bawang sa mahinang apoy hanggang magkulay-golden brown ito. Alisin sa kawali at itabi.
- Ihalo ang liempo at iprito hanggang magkulay brown.
- Magdagdag ng 1 tasang tubig, ½ tasang cane vinegar, 1/3 tasang soy sauce, black beans, kinanaw sa tubig na annatto powder, 2 kutsarang pamintang buo, 4 na pirasong laurel (bay leaves) at 1 kutsarang asukal. Pakuluin at hayaang kumulo (takpan) hanggang lumambot ang liempo. Sa huling ilang minuto nang pagluluto, alisan ng sobrang sabaw.
- Ihalo ang 1 kutsaritang cornstarch sa ¼ tasang tubig at ibuhos sa kawaling pinaglulutuan at ihalo rin ang piniritong patatas.
- Pakuluin sa karagdagang 5 minuto at ihain.
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/