Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Robin Padilla and Richard Yap: IDOL NG BAYAN

Sa unang pagkakataon nagsama ang dalawang bigating bituin sa Pilipinas na sina Robin Padilla at Richard Yap sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Sana Dalawa ang Puso.” Kung saan si Ms. Jodi Sta. Maria ang pangunahin bida sa teleserye.

Balik-tambalan ang “Daytime Queen and King,” Jodi at Richard matapos ang hit serye nilang “Be Careful with My Heart” noong 2012. Laking tuwa nga ni Richard noong nalaman niyang magkakasama muli sila ni Jodi sa isang proyekto.

Gustong-gusto ko talaga siyang makasama muli kasi masarap katrabaho si Jodi at magaling siyang aktres,” saad ni Richard sa isang panayam.

Bagamat excited din ay aminado naman si Jodi na bagong hamon sa kanya ang pagganap sa dalawang roles lalo pa’t unang beses pa lang niya ito gagawin.

“Hindi naging madali para sa akin, pero very exciting. Isa ito sa challenging roles na ginawa ko,” ani ni Jodi.

Mula naman sa katatapos lang na box-office movie na “Unexpectedly Yours,” kasama rin sa serye si Robin Padilla na huling nakita sa seryeng “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2013.

Kwento ni Robin, nagpasintabi pa siya kay Richard sa kanyang pagpasok sa eksena sa tambalang JoChard.

Pinuntahan ko pa si Sir Chief (Richard) at nagpaalam ako kung pwede akong mag-over the bakod,” pag-amin ni Robin.

Pagbibiro pa niya, “Bata pa lang ay pinanonood ko na sila, sumasabog ang kagandahan ni Jodi.”

Riot talaga nung pinagsama-sama ang tatlong kinagigiliwan ng marami. Si Jodi na napagitnaan ng dalawang makikisig na lalaki at syempre hindi mo na itatanong pa ang pagiging gentlemen ng dalawang ito.

Si Robin na kilala sa pagiging gentleman. Kaya naman halos lahat ng kanyang naging kapareha noon ay nahulog sa kanyang kakisigan. Madalas kasing napagkakamalang nagpe-flirt siya dahil sa kanyang mapang-akit na mata na sadyang ikahuhulog ng iyong loob kapag siya ay natitigan mo. Subalit yan talaga si Robin. Yan ang kanyang asset. Ang mapupungay na mata. Dati ay mabilis na ma-in love si Robin sa kanyang mga naging leading ladies, at ngayong married na siya kay Mariel Rodriguez, ganun pa rin ba siya? “Hindi po kasi pwedeng mawala ‘yun. Pero siyempre maturity na lang po, hindi na kailangan umabot pa sa ganun. Pero kailangan po kasi talagang mag-deliver ako,” pahayag ni Robin. Ipinaliwanag ni Binoe na siya ay tipong old school. “Kailangan nararamdaman ko ‘yung gagawin ko. Hindi ko kaya ‘yung pipitik lang dahil magaling ako sa workshop or ano. Hindi po ako ganun.” Kaya nagbigay na siya ng early warning kay Jodi. “Kaya pasensya ka na Ms. Jodi, ganun talaga. Mag-ingat ka na lang. Doble ingat ka na lang. Bantayan mo na lang Richard (Yap). Bantayan mo na rin ako,” pag-amin niya na sinundan ng matunog na tawanan sa nakapaligid sa kanila. Inamin din ni Robin na kung wala siyang asawa ay pwede siyang ma-attract kay Jodi dahil maganda ito, mabait at simple.

Sa akin po, sa edad ko po talaga, bulag na lang po ang siguro ang lalaking hindi iibig kay Ms. Jodi. Malaki ang diperensya nun kapag hindi mo na siya inibig. Pero ang pag-ibig na iyan, may boundaries na. Mahirap na walang boundaries,” lahad ni Robin.

Matagal na rin si Robin sa showbiz. Usaping showbiz, pelikula, pribadong buhay at maging sa pulitika ay hindi nawawala si Robin sa balita. Kumbaga, isa na siyang icon sa showbiz. Hindi niya itinago ang pagsuporta niya sa kasalukuyang administrasyon na nirerespeto naman ng marami. Mabait si Robin at matulungin. Hindi na niya kailangan pang ipangalandakan ang kanyang ginagawang pagtulong sa kapwa Pinoy na salamat at nandyan ang kanyang maybahay na si Mariel na all-out ang suporta sa kanyang mga hangarin. Inaamin naman ni Robin na ang kanyang pamilya ay hindi perpekto dahil sa may anak siya sa iba’t ibang babae subalit hindi mo rin matatawaran ang pagbibigay-suporta niya sa mga ito lalo pa’t kung kailangan nila ang tulong ng kanilang ama. Kilala bilang “Bad Boy of Philippine Showbiz” noon si Robin na dahil na rin sa paglipas ng panahon ay nag-mellow na at mas naging matured na ang pananaw sa buhay.

Sa kabilang banda, si Richard na unang nakilala bilang si Papa Chen sa “My Binondo Girl” at Ser Chief dahil sa super hit na afternoon drama series na “Please Be Careful With My Heart” ay hinangaan ng marami sa pagiging gentleman on screen.

Late bloomer na maging siya ay hindi inakala na sisikat siya habang ginagawa niya noon ang “Please Be Careful With My Heart.” Niyakap at tinanggap ng manonood dahil sa pagiging cool and smooth. Mahusay umawit at magaling na negosyante. Maraming traits si Richards na hindi masyadong alam ng kanyang tagahanga. Mahilig siya sa extreme sports. I do a lot of sports that a lot of people don’t do,” lahad ni Richard. “A lot of extreme sports, and I also do archery, I do shooting, and I do scuba diving.” Hindi man masyadong halata pero inaalagaan ni Richard ang kanyang katawan to keep himself healthy.

Alam naman ng marami na si Richard ay may pamilya na at kudos sa kanyang maybahay at mga anak na ever supportive sa kanyang career. Bukod sa showbiz ay may mga negosyo rin si Richard kaya hindi natin masasabing ang showbiz lang ang kanyang bread and butter. Malaki ang pasasalamat ni Richard unang-unang sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makilala sa showbiz. Siya at ang kanyang maybahay ay nagpapsalamat sa lahat ng taong involve sa kanyang career at nagpapasalamat siya higit sa lahat sa Diyos na nagbigay sa kanya ng blessings.

Ang dalawang makisig na leading men ni Jodi na hindi lingid sa lahat na ang personalidad na ipinakita sa showbiz ay magkataliwas. Opposite poles, ika nga. Pero sabi nga ng iba, “opposite poles attract.” Kaya heto at maganda ang naging chemistry nila sa bago nilang drama series na “Sana Dalawa Ang Puso.” Sina Robin at Richard na binansagang “Idol ng Bayan” na patuloy na nagpapakilig sa mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *