Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Alamin kung mananaig ang pag-ibig para kina Andeng at Anton sa finale ng “A Love to Last”

Tunghayan kung makakayanan ba nina Andeng (Bea Alonzo) at Anton (Ian Veneracion) ang magkapatawaran sa pagtatapos ng “A Love to Last” na may streaming simulcast sa TFC online (www.TFC.tv) sa key countries worldwide

Patuloy na susubukin hanggang sa huli ang pagmamahalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa huling episode ng “A Love to Last,” na mapapanood sa Pilipinas via ABS-CBN at sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), may streaming din simulcast sa local airing nito, via TFC online (www.TFC.tv) sa September 22, sa key countries worldwide. Mapapapanood pa rin ang mga episodes matapos ang finale, sa digital platforms ng TFC sa key countries worldwide.

Nang umalis muli ni Anton papuntang Hong Kong, natauhan si Andeng at sinundan ito para makipag-ayos. Ngunit sa kaniyang pagdating, siya pala ang masosorpresa nang makita niya si Grace (Iza Calzado) na hinahalikan si Anton.

Tuluyan na kayang sumuko si Andeng sa laban ng pag-ibig?

Huwag palalampasin ang huling episode ng “A Love to Last” na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC. Ang finale episode naman nito ay may streaming sa local airing nito, via TFC online (www.TFC.tv) sa September 22, at 9:10 p.m. (Manila time) sa key countries worldwide. Ang catch-up episodes naman ay patuloy pa ring mapapanood via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *