Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Abangan ang bagong family drama na “The Good Son” sa Kapamilya

Apat na magkakapatid ang hahanap ng hustisya sa pagkamatay ng ama upang patunayan na sila ay inosente sa ABS-CBN family drama na “The Good Son”, na may streaming simulcast sa local airing nito via TFC online (www.TFC.tv) sa key countries worldwide

Sama-samang imbestigahan ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya at ang paglaban ng apat na anak para sa kanilang karapatan sa “The Good Son,” ang inaabangang serye na mapapanood sa Pilipinas via ABS-CBN at sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), habang ang pilot episode ng programa ay may streaming simulcast sa local airing nito sa ABS-CBN, via TFC online (www.TFC.tv) sa September 25, sa key countries worldwide.

Magiging isang malaking palaisipan sa mga manonood ang mga magiging tagpo sa “The Good Son” dahil iikot ang kwento nito sa apat na magkakapatid mula sa dalawang pamilya, na naghahanap ng katotohanan sa pagkamatay ng kanilang ama.

Pinangungunahan ang serye ni Joshua Garcia na gaganap bilang Joseph, ang responsableng anak ni Racquel (Mylene Dizon) na gagawin ang lahat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang pamilya. Kasangga naman niya ang kaniyang maabilidad na kapatid na si Obet (McCoy De Leon) na siyang nagdadala ng saya at nagpapatibay sa puso nila sa oras ng kagipitan.

Masaya silang namumuhay kahit pa hindi nila nakakapiling ang amang si Victor (Albert Martinez), na ang turing lamang sa kanila ay pangalawang pamilya. Pilit silang itinatago ni Victor mula sa mata ng publiko at maging sa mga anak nitong sina Enzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas) dahil sa pangalang pinangangalagaan, sa tulong ng tunay niyang asawa na si Olivia (Eula Valdez).

Ngunit pilit silang pagtatagpuin ng tadhana dahil isang trahedya ang gugulantang sa kanilang lahat — mamamatay si Victor sa ika-40 nitong kaarawan. Dito mag-uumpisang gumulo ang kanilang mga buhay dahil bukod sa mabubulgar na ang katauhan ng pangalawang pamilya ni Victor, kabilang sa mga suspek sa pagkamatay niya ang apat na anak.

Ito ang magiging marka ng umpisa ng laban nina Joseph, Obet, Enzo, at Calvin para sa kanilang karapatan at para mapatunayang wala silang sala sa trahedyang sinapit ng kanilang ama.

Mula sa tagumpay ng Star Cinema movie na “Love You to the Stars and Back,” lubos ang pasasalamat ng isa sa mga bida ng serye na si Garcia para sa maagang suportang kanilang natatanggap mula sa mga manonood.

“Buong team namin sobrang pressured ngayong nalipat kami sa primetime. Pero iyong pressure na iyon ang gagamitin namin para mas ma-motivate kami na galingan namin”, sabi ni Garcia.

Ang message ng show is kung paano pa natin pahahalagahan at po-proteksyunan ang pamilya natin,” dagdag pa nito. “Nakakaintriga rin iyong parte pa ng pamilya namin ‘yong pumatay sa tatay namin. Dapat iyon abangan ng mga manood”.

Matutunghayan din sa “The Good Son” ang mga tinitingalang teen stars ngayon na sina Loisa Andalio, Elisse Joson, at Alexa Ilacad, kasama ang mga batikang aktor na sina John Estrada, Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Alex Medina, at aktres na si Kathleen Hermoso. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.

Sino nga kaya ang tunay na pumatay kay Victor? Ano ang kahahantungan ng kaniyang mga naiwang pamilya? Maipaglaban kaya ng apat na anak kung sino sa kanila ang tunay na “good son?”

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” mapapanood sa labas ng bansa via TFC. Ang pilot episode naman ng programa ay mapapanood simulcast sa local airing nito sa ABS-CBN, via TFC online (www.TFC.tv) sa September 25 at 9:10 p.m. (Manila time) , sa key countries worldwide. Ang catch-up episodes naman ay mapapanood via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.