Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ABS-CBN at Kapamilya stars, sumuporta sa fund-raising show ng Bantay Bata 163 kasama si Rocky Gathercole

Nagpakita ng suporta sina Philippine Concert King Martin Nievera, This Generation’s Movie Queen Bea Alonzo, Primetime Hunk Ian Veneracion, young Total Performer Darren Espanto at Megastar Sharon Cuneta, sa selebrasyon ng ika-20 taon ng pag-protekta at pag-aaruga sa kabataan ng Bantay Bata 163, sa isang fundraising show sa PICC Reception Hall, tampok ang mga likha ng pamosong fashion designer na si Rocky Gathercole noong August 12.

Kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at Maestro Gerard Salonga, nagbahagi ng kinang at talento ang Kapamilya stars sa programa, na nagbigay-pugay sa katatagan ng mga bata sa Bantay Bata 163 at sa dedikasyong ipinakita ng mga social worker, volunteer, at donor na tumulong sa pag-sagip at pangangalaga sa kanila.

Ayon kay ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez III, magpapatuloy ang ABS-CBN sa pagbabantay sa kalagayan ng mga kabataan sa tulong na rin ng mga tao at organisasyong may mabubuting loob at hangarin para sa mga bata.

Sa loob ng 20 taon, nagtagumpay ang Bantay Bata 163 sa paghimok sa isang bayang may malasakit sa kapwa gamit ang pagiging malikhain, teknolohiya, at lawak ng media. Isang karangalan para sa ABS-CBN ang pagbuklurin ang manonood nito sa buong mundo para sumuporta sa mga programa ng “Bantay Bata 163” na nagresulta sa pagkakatulong natin sa mahigit isang milyong kabataang Pilipino,” aniya.

Isa sa mga nahimok ng “Banta Bata 163” na lumaban para sa mga bata si Gathercole, na nakaranas din ng pang-aabuso noong bata pa siya. Naibahagi na niya ito sa “Maalaala Mo Kaya (MMK)”, kung saan gumanap sa kaniya ang aktor na si Arjo Atayde.

Gamit ang kaniyang mga dinisenyong damit, muling ipinakita ni Rocky sa pamamagitan ng isang fashion show ang kaniyang naging buhay mula sa pagtira sa kalsada ng Maynila hanggang maging fashion designer.

Samantala, pinaigting naman ng “Bantay Bata 163” ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata sa sekswal na paraan sa internet. Para matugunan ito, naghahanap ng mga makakatulong ang programa para mapalakas pa ang 163 hotline nito at mas maging malawak ang abot nito online.

Ayon sa UNICEF, walo sa sampong batang Pilipino ang may posibilidad na maabuso sa internet. Samantala, malapit na sa 65,000 bata ang natulungan ng “Bantay Bata 163” sa pagpapagamot, Kulang-kulang na 2,000 bata ang naisalba mula sa pang-aabuso at binigyan ng tulong na legal, mahigit 52,000 naman ang nabigyan ng scholarship, habang milyon naman ang tinatayang nag-benepisyo sa mga naisagaw nitong outreach programs sa nakaraang 20 taon.

Pinangunahan ng Metro Society at Lifestyle Channel, sa tulong ng Pass-It-Forward at Quezon City Government, ang Bantay Bata 163 20th Anniversary Dinner para makalikom ng pondo para sa mga bagong proyekto ng Bantay Bata 163 tulad ng pagsasaayos ng Children’s Village, kung saan tumitira ang mga naisalbang bata. Layunin nilang makatulong pa sa mas maraming bata sa darating pang mga taon at dekada.

Isa ang Bantay Bata 163 sa tatlong pangunahing programa ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

Tunghayan ang kuwento sa likod ng buhay ni Gathercole sa “Bottomline” at “MMK 25” na mapapanood via TFC IPTV at TFC online (www.TFC.tv). Para sa iba pang official photos, bisitahin sa official website ng Lifestyle Network: http://lifestylenetwork.tv/lifestyle-network-self/rocky-gathercole-unveils-new-collection-at-a-fundr

Para sa mas maraming impormasyon kung paano makakatulong, sa Pilipinas, pumunta sa https://www.passitforward.com/bb163; sa U.S., maaaring tumawag sa 1-800-527-2820 o bisitahin ang www.abscbnfoundation.org; at sa Europe, maaaring tumawag sa +44 739 287 0779 o bisitahin ang facebook.com/TFCEurope

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *