Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Zanjoe Marudo and Angelica Panganiban Reunited

Anim na taon matapos ang huli nilang pelikulang pinagsamahan ay magkasamang muli sa TV series na “Playhouse” sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. Napapanood din sila sa kanilang weekly TV show na “Banana Split” pero ang TV series na “Playhouse” ay naka-focus sa kanila bilang love team. Ang “Playhouse” ay tungkol sa modern-day couple at isang bata na naghahanap ng kalinga ng pamilya. Umiikot sa paglalarawan na ang pag-ibig ay isang “choice.” Meaning, maaari kang magmahal nang paulit-ulit subalit maaari rin itong magbago sa isang iglap.

Sina Marlon at Patty ang mga pangunahing karakter sa teleseryeng ito na ginagampanan nina Zanjoe bilang si Marlon at si Angelica naman bilang si Patty, dalawang magkasintahan na kalaunan ay nauwi sa kasalan ang relasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad din naputol ang inaakala nilang walang hanggang pagmamahalan.

Bukod kina Angelica at Zanjoe ay kasama rin sa show sina Kisses Delavin at Donny Pangilinan na ipinakikilala bilang love team na nag-contribute rin ng romantic vibe sa manonood. Kasama rin bilang suporta sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto at Maxene Magalona. Panibagong feel good drama na siguradong maghahatid ng saya at kilig sa bawat pamilya.

Sa loob ng ilang taon na magkasama ang dalawa sa show na “Banana Sunday” ay makikita na kumportable na sila sa isa’t isa. Nasaksihan ng mga reporter kung gaano kasaya magkasama ang dalawa dahil hindi na iba sa kanila ang tuksuhan. Nagbiro nga si Zanjoe na kung pwede silang dalawa na lang. Alam ng lahat na walang romantic ties ang bawat isa at the moment. May balita na mukhang nagre-rekindle ang relationship nina Carlo Aquino at Angelica.

In a relationship ako ngayon sa mga katrabaho ko niyayakap-yakap ko. Yung mga leading man ko, niyayakap-yakap ko, inaamoy-amoy ko. Parang nasa-satisfy ko ang cravings ko,” nagbibirong paglalahad ni Angelica.

At nang si Zanjoe naman ang tanungin kung naapektuhan ba siya minsan kapag niyayakap-yakap siya ni Angelica, “

,” pag amin ni Zanjoe. “Ayokong mahuli niya ko kaya sa eksena namin, hinaharangan ko ng unan para hindi niya malaman na naapektuhan na ako.

Pero natutuwa si Angelica dahil may respeto ang kanilang pagkakaibigan. Sa pananaw niya, feeling niya ay source of happiness niya si Zanjoe.

Nakakatuwa, nirespeto niya ko. Talaga palang ang amo ng mukha niya. Gusto kong magtrabaho kahit late na ko tapusin. Pag umaalis siya at napa-pack up siya, nalulungkot ako.

Kaya tuloy kailangan nilang i-internalized maigi ang mga roles nila dahil mas umaakto silang magkaibigan kesa lovers sa naturang TV series.

Kailangan nakakakilig. Kailangan talagang mukhang mahal na mahal namin ang isa’t isa,” paglalahad pa ni Angelica. Malambing sa bata naman ang description ni Zanjoe kay Angelica at wife material.

Mula sa kanyang pakikipagrelasyon kay Derek Ramsey hanggang kay John Lloyd Cruz, naging very vocal si Angelica sa kanyang frustration sa huli dahil aniya, walang formal closure sa relasyon nila pero natutuhan na niyang magpatawad at mag-move on. Kumbaga, isinara na niya ang chapter na yun sa kanyang buhay at nananatiling nakatayo pa rin si Angelica. Masaya ang mga tagahanga niya dahil may muling nagbalik ng ningning ng kanyang mga mata at naalis na ang lungkot na dulot ng sawing pag-ibig.

Muling nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ni Angelica nang magbalik ABS-CBN si Carlo na dating kasintahan ni Angelica. To date ay may nagsasabing nagkakamabutihang muli sila ni Carlo pero muli ay wala namang direktang pag-amin na na-rekindle nga ang kanilang relasyon except for mayroon silang pelikula, “Exes Baggage.”

Si Zanjoe naman, after his relationship with Bea Alonzo ended ay naging tahimik siya sa kanyang pribadong buhay. Nali-link man siya sa iba’t ibang magagandang dilag sa showbiz ay wala namang pag-amin na nakuha sa aktor. Mas pinili nitong manahimik lalo na kung pribadong buhay ang pinag-uusapan. Kamakailan lamang ay may lumabas na balitang nakita si Zanjoe kasama ang isang magandang blogger surfer na hinihinalang sinusuyo ngayon ni Zanjoe. Wala rin direktang pag-amin mula kina Zanjoe at Josie sa kung ano talaga ang estado ng kanilang relasyon ay hindi na tayo magugulat kung sa malao’t madali ay aminin nila na nagde-date na nga sila. Kung magkakatotoo ito ay maraming masisiyahan para kay Zanjoe dahil mabait at responsable si Zanjoe kaya hintayin na lang natin.

Sa ngayon ay masaya ang dalawa sa takbo ng kanilang showbiz career. Tahimik man sila sa kani-kanilang lovelife ay hindi pa rin matatanggal na may kilig kapag sila ay makikita onscreen. Who knows, baka sa mga susunod na balita ay malalaman na lang natin na sila na pala. Walang imposible sa mundo ng showbiz. Katulad nga ng sinabi nila sa bawat article na naisusulat ukol sa kanila, high praises sila sa isa’t isa at magkaibigan sila. Kadalasan ang mga magkakaibigan ay nauuwi sa totohanan.