Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Your Moment

Nag-umpisa na ang world premier ng pinakabagong talent-reality format na “Your Moment,” kolaborasyon sa pagitan ng dalawang bansa (ABS CBN network at ng Dutch powerhouse creator na Fritz Productions), upang i-focus ang spotlight sa mga Pinoy at foreign singing and dancing acts at sa bandang huli ay kikilalanin ang 2 kampeon sa kanilang kategorya para sa finals.

Ang panel of judges ay pangungunahan ni international RnB sensation na si Billy Crawford, ang multimedia princess na si Nadine Lustre at ang starbuilder na si Boy Abunda. Bukod sa tatlong judges, ang magiging host ng naturang reality show ay sina multi-awarded tv personality na si Luis Manzano at dance icon na si Vhong Navarro.