Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

What is Tapioca?

Ang tapioca ay starch na galing sa cassava root, isang root crop na native sa South America. Madaling tumubo at naging dietary staple sa iba’t ibang bansa tulad ng Africa, Asia and South America. Although masarap ang tapioca, limitado lamang ang nutritional value nito at purong carbs. Pero ito ay natural gluten-free na pwedeng i-substitute sa wheat na ginagamit sa cooking o baking na gusto ng gluten-free.

Ito ay kilala rin sa tawag na boba o bubble na gawa sa sweet potato powder, potato powder o jelly. Ito ay nag-originate sa Southeast Asia. Ang tradisyunal na version ng “pearls” ay gawa sa malagkit na bigas. Maraming gamit at iba’t ibang kakanin o inumin ang nagagawa na may halong tapioca. Ang pagbuo ng tapioca balls ay ipinakilala sa bansang Brazil kung saan nanggaling ang cassava, na ang tawag dito ay sagu kahit na ito ay gawa mula sa cassava at hindi sa sago palms. Ginagamit din ito sa tradisyunal na lutuin na sagu de vinho (wine sago) na popular sa southern state ng Rio Grande do Sul. Ito ay hinahalo kasama ang asukal at red wine at inihahain na medyo mainit.

Pero mula noon hanggang ngayon at marahil sa sususnod pa na henerasyon ay mananatiling popular ang tapioca dahil sa makabagong paraan upang maging mas masarap at makatawag-pansin sa karamihan.

Nutritional Value: Pure starch ang tapioca na punum-puno ng carbs. Ikinukonsidera ang tapioca na “empty” calories. Nagbibigay ng enerhiya na halos walang nutrients.

Health Benefits of Tapioca: Wala itong health benefits pero ito ay grain at gluten-free.

It is Suitable for Restricted Diets: Pwede ito sa mga taong under restricted diets tulad ng mga may allergy o intolerant sa wheat, grains at gluten. Ang tapioca ay natural source ng resistant starch at nagpa-function na tulad ng fiber sa ating digestive system. Tulad ng sago, nakakatulong din ito sa pagpapababa ng blood sugar at nagko-contribute sa metabolic health ng isang tao.

Negative Health Effects: Kung ipo-process ng tama, walang magiging negative health effects ang pagkain ng tapioca. Ang kadalasang negative health effects ay nagmumula sa pagkain ng hindi tamang na-prosesong cassava root. Ang cassava root ay mayroong toxic compound na tinatawag na linamarin. Ito ay nako-convert bilang hydrogen cyanide sa ating katawan na maaaring mag-cause ng cyanide poisoning. Ang hindi tamang pagkain ng cassava ay kadalasang may koneksyon sa cyanide poisoning, isang paralytic disease na tinatawag na konzo o maaaring magdulot ng kamatayan. Kaya pinag-iingatang mabuti ang pag-process at pagluto nito. Safe kainin ang commercially produced products nito.

Cassava Allergy: May mga tao namang allergic sa cassava o tapioca pero hindi ganun karami ang reported cases nito.

Fortification for Health Purposes

Ang tapioca na na-proseso nang tama at safe kainin ay mura. Ito ang life-saving food ng mga tao sa developing countries. May mga taong ibina-base ang malaking parte ng kanilang diet sa cassava at tapioca based-products subalit hindi sila nakakakuha ng tamang dami ng nutrisyon sa katawan na maaaring maging dahilan ng malnutrisyon, vitamin deficiencies, rickets o goiter. At para na rin sa kapakanan ng consumers, nag-research ang experts na palakasin ang tapioca flour sa pamamagitan ng paghalo ng nutrient-dense flours tulad ng soybean flour.


Ang tapioca ay nahahalintulad sa sago. Ngunit ito ay magkaiba. Anu-ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa?

Sago

Ito ay isang klase ng starch na nakukuha mula sa ubod ng tropical palm stems. Ang starch ay carbs na may iba’t ibang konektadong glucose molecules. Ang isang tipo ng sugar na nagbibigay ng enerhiya sa ating katawan. Ang sago ay extracted mula sa metroxylon sagu o sago palm na makikita sa maraming lugar sa mundo kasama na ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Papua New Guinea. Madaling lumago kahit anong klase ng lupa. Ito rin ang dietary staple ng Indonesia, Papua New Guinea at Malaysia. Tulad ng tapioca, limitado rin ang nutrients na makukuha sa sago. Sa bawat 3.5 pounds (100 grams) pagkain ng sago, narito ang nutrisyon na makukuha ng ating katawan:

Calories: 332
Protein: mababa sa 1 gram
Fat: mababa sa 1 gram
Carbs: 83 grams
Fiber: mababa sa 1 gram
Zinc: 11% ng Reference Daily Intake (RDI)

Bukod sa zinc, mababa ang sago sa vitamins and minerals. Kaya mas mababa pa ang nutritional value nito kesa sa whole wheat o buckwheat na mayroong protein at B vitamins.

That being said, ito ay naturally grain at gluten-free na pwedeng replacement ng mga taong may celiac disease o yung mga nagpa-follow ng specific na grain-free diet o maging paleo diet.

Potential health benefits

Contains antioxidants – Ang antioxidant ay molecules na nagnu-neutralize ng harmful molecules na tinatawag na free radicals. Kapag ang level nito ay tumaas, magkakaroon ng damage ang cells ng ating katawan na pwedeng mag-lead sa sakit tulad ng heart disease o cancer. Ayon sa research, ang sago ay mataas sa polyphenols tulad ng tannin at flavonoids na nagpapa-improve ng immunity at nagre-reduce ng pamamaga o inflammation at nababawasan ang risk ng heart disease.

Good source of resistant starch – Isang klase ng starch na dumadaan sa ating digested tract na hindi nada-digest. Ang resistant starch na ito na nararating ang colon na hindi nada-digest at pinapakain ang healthy gut bacteria ng ating katawan. Ang bacteria na ito ang nagbe-break ng resistant starch at nagpo-produce ng compounds tulad ng short-chain fatty acids. Ang benepisyong naibibigay nito ay ang pagpapababa ng blood sugar levels, pagre-reduce ng gana sa pagkain at mas improved digestion.

May reduce heart disease risk – Ang mataas na blood cholesterol at triglyceride ay risk factors para sa heart disease. Ang high content ng amylose ng sago, isang tipo ng starch na may mahabang linear chains ng glucose na matagal i-digest at nagbe-break ng unti-unti at nagre-release ng mas controlled sugar sa katawan ang maaaring makapagpa-improve ng ating cholesterol at triglyceride levels.

May enhance exercise performance – Maraming nagsasabing nae-enhance nito ang pag-e-ehersisyo dahil sa sago at soy protein content nito dahil na rin sa carbs content nito.