Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

What is New Normal?

Ngayong unti-unti nang lumuluwag ang bawat bansa sa paghihigpit mula sa lockdown dahil sa pandemic na dulot ng COVID-19, pinagu-usapan ng lahat ng bansa ang pagbangong muli sa pamamagitan ng “New Normal.” Hangga’t walang natutuklasang bakuna laban sa covid-19 at kailangan munang mag-adjust ang lahat, mula sa kani-kanilang daily lives, ang trabaho, negosyo at pakikisalamuha sa ibang tao.

Kung tutuusin ay lagi tayong nabubuhay sa new normal. Naga-adjust tayo sa tuwing may diseases na lumalabas at kumikitil ng buhay ng maraming tao, tayo ang naga-adjust para hindi tayo tamaan ng virus. Marami sa mga malalang sakit hanggang sa ngayon ay wala pang natutuklasang bakuna pero natutunan nating mag-adjust.

Isang halimbawa na ang HIV (Human Immunodeficiency Virus), 1980 ng bumulusok ito o baka matagal na ito nandyan, hindi man kumalat ay wala pa ring natutuklasang bakuna para dito. May gamot pero ito ay upang mapigil lamang ang pagkalat sa katawan at sistema ng may sakit nito. Pero natutunan ng mga tao ang mag-adjust at mamuhay na may HIV sa mundo. Pag-iingat ang ginagawa para hindi makahawa. Ang homosexuals, especially ang tinatamaan nito na pwedeng kumalat sa mga babae kung may makakasiping na may dala nito. Condom ang laging ipinapayong gamitin para makaiwas sa sexually-transmitted disease na ito.

Ganito rin ang mangyayari sa covid-19, hanggang sa makatuklas ang siyensiya ng tamang bakuna laban dito ay ang mga tao ang maga-adjust para makaiwas sa mapaminsalang salot na ito. Ang coronavirus ay hindi katulad ng HIV, dahil mas nakakahawa ito. Makasalamuha mo lang ang may sakit nito ay mabilis na itong kakalat sayo at sa lahat ng nakasamaluha nito. Kaya ang level ng pag-iingat ay mas dapat tutukan at ang proper hygeine ang kailangan.

Ang adaptation na tinatawag ay ang new normal para sa lahat. Ang new normal ay pagsunod sa safety guidelines ng pamahalaan tulad ng pagsusuot ng safety gears, pagpapaalala ng strict hygiene, social distancing at iba pa.

What is herd immunity?

Ang herd immunity ay isang konsepto mula sa epidemiology. Inilalarawan nito ang kalagayan o kondisyon kung saan ang isang populasyon ay hindi tinatablan ng ilang nakakahawanag sakit kaya hindi ito kakalat sa loob ng isang komunidad o sa mas malawak na aspeto.

Ang herd immunity ay makukuha sa pamamagitan ng bakuna o sa natural na pagiging immune sa mga nakakahawang virus o infections. Kapag ang isang komunidad o populasyon ay hindi nagkahawahan dahil sa infectious disease na kumalat sa kanilang komunidad, ibig sabihin ay hindi ito kakalat sa labas ng kanilang komunidad dahil hindi sila tinablan.

Kinonsidera ito ng UK noong panahon ng SARS-CoV-2 virus na siya ring sanhi ng Covid-19, pero nagbago ang kanilang isip. Sa anong dahilan ay hindi natin alam.

Would herd immunity be part of our new normal?

Sana nga ay ganuon kadali lang pero marami sa scientists ang nagsasabing hindi ganito kadali ma-achieve ang herd community hangga’t walang vaccine. Tulad ng mumps o beke, isa ito sa nakakahawang virus sa buong mundo na nakakahawa ng 10-12 katao.
Mayroong bakuna sa mumps, kasama ito sa MMR (measles, mumps, rubella) na ibinibigay sa mga sanggol habang maliit pa. Habang walang vaccine ay mananatili ang buong mundo na yakapin ang new normal sa loob at labas ng tahanan, sa trabaho, sa eskuwelahan, sa shopping malls, gym, at iba pa.
Ang pagsusuot ng mask sa labas ng bahay ay magiging new normal na dapat makasanayan, ang physical distancing sa labas, sa loob ng train, sa malls, at maging sa loob ng opisina, etc. At marami sa employers ang magsasabi sayo na mag-work from home muna habang hindi pa maayos ang lahat sa labas. Mga restaurant na kailangan ay take out at delivery or kung sa loob kakain ay 50% lamang ng customers ang pwedeng tanggapin, ang national games na masayang pinapanood ng mga tao ay hindi muna pinapayagan ang spectators at maraming mga pagbabago na dapat ay sundin para makaiwas sa pagkakahawahan sa panahong ito ng pandemic.

Ang tatlong bagay na kinokonsidera sa New Normal

1.More Saving, Less Spending

Ang kasabihang kapag may isinuksok ay may madurukot, ang mga katagang ito ay importante lalo na sa panahon ng pandemic. Ang pandemic na nag-resulta ng “pagtigil ng mundo” ay isa lamang ehemplo ng kung paano mahalaga ang may ipon. Maging ang mga negosyante ay nagsasabing mas maigi ang ikaw ay may naipon para magamit sa panahong ito ay kailangan. Nang tumigil ang mundo, tigil lahat, trabaho, negosyo. At dahil sa nasa loob ka lang ng bahay ay hindi ka naman gumagastos kundi sa mahalagang pangangailangan lamang. Gusto rin ng investors o negosyante na mag-save ang mga mamimili dahil kung hindi ka gumagastos gamit ang credit card mo, eh di mas mababa lamang ang card balance mo. At sa pagiging maingat mo sa paggasta, makakasanayan mo rin ito at makakatulong sa iyo sa sandaling bumalik na sa normal ang lahat. This time, magiging mas maingat ka sa paggasta dahil nasanay ka na.

2.New Supply Chains

Ang pagbulusok ng pandemic ay nagturo ng mahahalagang bagay sa lahat. Mapapansing halos ng bansa sa mundo ay mayroong produkto galing China. Sa panahon ng pandemya, halos wala tayong mabili o makuha kahit mag-order online, bakit? Naubusan na ang mga wholesalers sa bawat bansa dahil hindi nila akalaing magkakaganito ang sitwasyon, kung gagawa man sila ay hindi nila kayang gumawa ng kasing bilis at kasing dami nang sa China. At ang China syempre ay uunahin muna ang kanilang bansa bago ang iba. Hanggang sa natutunan nating gumawa ng washable mask o homemade disinfectant.

Ito ang nagsilbing leksiyon sa mga kumpanyang umaasa sa supply chains sa bansang China. Unti-unti nilang inaalis ang kanilang investment at naghahanap sila ng local suppliers at local supply chain.

3.Small Business Looks Scarier

Ang new normal ay nagbibigay rin ng pangamba sa mga maliliit na negosyo. Sa kasalukuyan, busy ang mga abogado at mga ambulansiya. Bakit? Kase may mga negosyong nagbubukas agad bago pa man i-lift ang quarantine na nagbigay ng maling signal sa mga tao at lumabas sila. Kinabukasan ay mayroon na silang mataas na lagnat. Hindi ang mga indibiduwal ang hinahabol ng demanda kundi ang mga negosyong nagsipagbukas ng wala sa panahon. Lubhang naapektuhan ang maliliit na negosyo sa panahon ng lockdown, malaking pera ang nawala sa kanila at ito ay depende naman sa kung anong klase ang negosyo. Mayroong maliit na business na malakas ang kita dahil online selling sila. Ang mga negosyong mas malaki ang risk na magkasakit o makahawa ng virus infection ay ang mga restaurants, entertainment venues, sports arenas, theme parks, hotels, at professional event na ino-organize ng maliit o mid-sized na kumpanya.