Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Ways of Using Bath Salt

Ano ang bath salt at benepisyong ibinibigay sa ating katawan? Ang bath salt ay pinakamadali at pinakamurang paraan para gamutin ang mental at physical ailments ng isang indibidwal. Pinapaniwalaang may mga benepisyong ibinibigay ito sa ating pagod na katawan tulad ng masakit na muscles, naninigas at masakit na kasu-kasuan, arthritis, problema sa circulation ng ating katawan, sakit ng ulo, anxiety at stress at skin problems.
Effects of Using Bath Salt

Increase metabolism and detoxify. Ang detoxification ay isang paraan upang matanggal ang toxins na naiipon sa loob ng ating katawan at sa pamamagitan nang pagpapawis ay nailalabas lahat ang toxins.

Skin moisturizing skin effect. Ang bath salt ay maituturing na moisturizer dahil may mga component ang bath salt na ina-absorb ang dead skin at dumi ng ating balat.

Relaxing effect that leads to a good night’s sleep. Ang pagso-soak sa warm bath na may bath salt ang isa sa pinaka-effective na nagpapakalma ng ating katawan. Kapag ang ating katawan ay nainitan, nare-relax nito ang ating muscles at makakatulog ka ng maayos.

BATH SALT SELECTION

ANCIENT SEA BATH SALT (Himalayan Bath Salt, Jurassic Sea Salt)

Ito ay nakukuha mula sa bulubundukin kung saan na-preserve sa mahabang panahon (50 million years) na naprotektahan mula sa pollutants. Maingat na hinaharvest upang ma-preserve ang healing effect nito. Ang Himalayan Bath Salt ay nagtataglay ng 84 na mahahalagang minerals.

COARSE BATH SALT

Ang Coarse Sea Salt ay malalaking grain ng bath salt na 2-3 millimeters ang sukat. Isa ito sa therapeutic bath salts na nagbibigay ng positibong effect sa ating katawan dagdagan pa ng scented oils o kulay na nakakatawag pansin.

DEAD SEA BATH SALT

Ang kauna-unahang spa sa mundo ay ginawa noong panahon ni Cleopatra. Ito ay nakakagamot sa mga taong may dry skin condition tulad ng psoriasis. Maiibsan rin ang inflammation ng arthritis at rheumatism.

EPSOM SALT (Magnesium Sulfate)

Ang Epsom Salt ay hindi talaga salt. Ito ay purong mineral compound ng magnesium sulfate sa crystal form nito. Ang best way para dito ay katamtamang dosage lamang ang ilagay sa bathtub.


FINE BATH SALT

Ang pinong sea salt na ito ay maaaring i-blend sa herbs at powder sa bath salt. Ang ganitong klaseng bath salt ay inirerekomenda para sa facial at body scrub.

GREY BATH SALT (Sel Gris, Brittany Salt)

Ito ay hina-harvest sa Guérande, France. Ang kulay nito ay nagpapakita ng natural trace minerals na in-absorb mula sa sea origins nito. Name-maintain nito ang nutrients na kailangan ng ating katawan.

ORGANIC BATH SALT

Ito ay hindi dapat “organically grown” dahil ito ay mineral at hindi halaman kaya sa United States ay walang kinikilalang organic certification sa salt pero sa ibang bansa ay mayroon.

SOLAR SALT

Ito ay tinutuyo mula sa init ng araw. Ito ay nakikita mula sa Mediterranean Sea, the North Sea, at sa Atlantic at Pacific Ocean. Ang malalaki at makinang na crystal na ito ay napaka-attractive lalo na kapag inihahalo sa maliit at pinong bath salts tulad ng Epsom o European bath salt.

Using Sauna and Steam Room Properly

Don’t Eat First. Maghintay ng isang oras pagkatapos kumain bago pumasok sa steam room.

Dress Light. Pwedeng magsuot ng swimsuit o maghubad pero mainam na maupo sa tuwalya.

Drink Water. Uminom ng tubig bago pumasok at manatiling hydrated.

Don’t Stay Too Long. I-limit lang sa 15-20 minuto ang pananatili rito Kapag nakaramdam ng pagiging hindi kumportable ay lumabas saglit o tapusin na agad ang iyong steaming session.

Allow for Cool Down. Pag labas, magpalamig ng bahagya sa hangin at medyo malamig na tubig.

Using Dry Sauna Warnings:

Ang dry sauna ay heated room na nagpapataas ng ating body temperature para tayo ay ma-relax at pagpawisan. Pero dapat na aware tayo bago pumasok dito. Kailangan iwasan ang pag-inom ng alak o prescribed medications. Ang mga may existing chronic disease at sa mga taong may poor physical condition tulad ng obesity, may high blood pressure o heart disease ay hindi pinapayuhan na gumamit nito. Nararapat na sumangguni muna sa doktor bago mag sauna upang maiwasan ang anumang komplikasyon.